Subalit sa pagkawala ng mga katulad nina Kelly Williams, Arwind Santos at Mark Isip, tila nawala na rin ang bagsik ng mga Spinners para sa 2007 PBL Silver Cup.
"We have almost a new team basically because of some players na umakyat na sa PBA at yung mga bago naman coming from the collegiate ranks," ani coach Koy Banal. "So ngayon, parang nasa learning stage pa rin kami."
Puntiryang makapasok sa quarterfinal round, sasagupain ng Magnolia ang Kettle Korn-UST ngayong alas-3:30 ng hapon para sa unang knock-out phase ng torneo sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue.
Isinara ng Spinners ang classification phase sa likod ng kanilang 3-7 kartada sa ilalim ng Harbour Centre Port Masters (7-3), Mail & More Comets (7-3), Hapee-PCU Teeth-masters (7-3), Toyota Otis Sparks (7-3), Sista Super Sealers (6-4), TeleTech Titans (4-6) at Cebuana Lhuillier Moneymen (4-6) at kasunod ang Pop Kings (0-10).
Tinalo na ng Magnolia ni Banal ang Kettle Korn-UST ni Pido Jarencio sa kanilang unang pagtatag-po, 97-74.
Ang mananalo sa Spinners at Pop Kings ang siyang haharap na-man sa naghihintay na Super Sealers, uupo bi-lang No. 5, sa ikalawang playoff round.
Nagmula ang Magno-lia sa isang 68-49 tagum-pay sa Sista noong Mar-tes, habang nakalasap naman ng isang 77-103 pagkatalo ang Kettle Korn-UST sa Harbour Centre noong Huwebes.
"At least we ended the elimination round with a win. Were hoping to win against Kettle Korn para maka-advance kami sa second playoff phase," dagdag ni Banal, muling aasa kina 6-foot-8 Nigerian Sam Ekwe, Yousif Aljamal, Pong Escobal at Bonbon Custodio katapat sina Allan Evangelista, Josh Urbiztondo, Anthony Espiritu at Derick Hubalde ng Pop Kings. (Russell Cadayona)