Semis slot target ng Harbour Centre
January 18, 2007 | 12:00am
Sa hangaring maging top team matapos ang classification phase at maibulsa ang isa sa dalawang outright semifinal ticket, kailangan ng Harbour Centre na maitumba ang Kettle Korn-UST.
"We hope to win our last game against Kettle Korn-UST and emerge with the higher quotient para makuha namin yung top spot," sabi ni coach Jorge Gallent sa kanyang Port Masters, target ang kanilang ikalawang sunod na pagpasok sa semifinals matapos ang pinaghariang 2006 PBL Unity Cup.
Haharapin ng Harbour Centre ang Kettle Korn-UST ngayong alas-2 ng hapon bago ang upakan ng Hapee-PCU at Cebuana Lhuillier sa alas-4 sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue.
Nasa mga kamay na ng Mail & More Comets at Toyota Otis Sparks ang dalawang playoff seat sa likod ng kanilang 7-3 rekord kasunod naman ang Port Masters (6-3), Teethmasters (6-3), Sista Super Sealers (6-4), Moneymen (4-5), TeleTech Titans (4-6), Magnolia Spinners (3-7) at Pop Kings (0-9).
Ang panalo ng Harbour Centre, sumasakay sa isang four-game winning run, at Hapee-PCU ang magreresulta sa isang four-way tie na bubuwagin sa pamamagitan ng dalawang playoff games para sa dalawang automatic semis ticket.
Ang matatalo namang koponan ay pupuwesto sa No. 3 at No. 4 spot sa quarterfinal round taglay ang twice-to-beat edge kontra sa No. 5 at No. 6 teams, ayon sa pagkakasunod.
Nagmula ang Port Masters sa isang 93-83 double overtime win sa Titans noong Martes kung saan kumolekta si dating Ateneo Blue Eagle star JC Intal ng 27 puntos, kasama rito ang apat na 3-pointers.
Sa kabila naman ng 0-9 baraha ng Pop Kings ni Pido Jarencio, nanggaling sa 73-88 kabiguan sa Teehmasters, maaari pa rin silang pumasok sa quarterfinals kung mawawalis nila ang dalawang playoff games. (R. Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended