Pangungunahan ni boxing icon Manny Pacquiao ang 68 sports figures at personalities na kikilalanin ng pinakamatandang media organization na binubuo ng mga sportswriters mula sa national broadsheets at tabloids.
Tatanggap si Pacquiao, ang sikat na sikat sa boxing ngayon ng the Athlete of the Year award tulad din ng pito pa na sina billiards legend Efren Bata Reyes, World Pool champion Ronnie Alcano, bowler Biboy Rivera, at Doha Asian Games gold medal winners na sina boxers Joan Tipon at Violito Payla, cue artists Antonio Gabica at wushu artists Rene Catalan.
Ang once-in-a-lifetime award na Bayani ng Lahi ay igagawad din sa 28-gulang na si Pacquiao sa kanyang dalawang panalo laban kay Mexican boxing legend Erik Morales na nagbigay kulay sa Philippine Sports.
Mangunguna sa paggagawad ng parangal para sa mga sports heroes ay sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Peping Cojuangco na guest of honor ng event na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio at ipapalabas ng delayed sa NBN-4.
Magbibigay si San Miguel Corp. Chief Operation Officer at president Ramon S. Ang ng inspirational speech sa programang magsisimula ng alas-3:00 ng hapon.
Sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang imbitasyon, maaari nila itong makuha sa venue.