^

PSN Palaro

2006 Sports heroes pararangalan ngayon

-
Ang mga mahuhusay na atleta at personalidad para maging matagumpay ang 2006 para sa bansa ay paparangalan ngayong hapon sa dalawang oras na SMC-PSA Annual Awards sa Entertainment Hall ng SM Mall of Asia.

Pangungunahan ni boxing icon Manny Pacquiao ang 68 sports figures at personalities na kikilalanin ng pinakamatandang media organization na binubuo ng mga sportswriters mula sa national broadsheets at tabloids.

Tatanggap si Pacquiao, ang sikat na sikat sa boxing ngayon ng the Athlete of the Year award tulad din ng pito pa na sina billiards legend Efren ‘Bata’ Reyes, World Pool champion Ronnie Alcano, bowler Biboy Rivera, at Doha Asian Games gold medal winners na sina boxers Joan Tipon at Violito Payla, cue artists Antonio Gabica at wushu artists Rene Catalan.

Ang once-in-a-lifetime award na Bayani ng Lahi ay igagawad din sa 28-gulang na si Pacquiao sa kanyang dalawang panalo laban kay Mexican boxing legend Erik Morales na nagbigay kulay sa Philippine Sports.

Mangunguna sa paggagawad ng parangal para sa mga sports heroes ay sina Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco na guest of honor ng event na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio at ipapalabas ng delayed sa NBN-4.

Magbibigay si San Miguel Corp. Chief Operation Officer at president Ramon S. Ang ng inspirational speech sa programang magsisimula ng alas-3:00 ng hapon.

Sa mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang imbitasyon, maaari nila itong makuha sa venue.

ANNUAL AWARDS

ANTONIO GABICA

ATHLETE OF THE YEAR

BIBOY RIVERA

CHIEF OPERATION OFFICER

DOHA ASIAN GAMES

ENTERTAINMENT HALL

ERIK MORALES

JOAN TIPON

MALL OF ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with