^

PSN Palaro

2nd playoff seat sinagasaan ng Toyota

-
Kasabay ng pagkolekta sa kanilang ikaapat na sunod na panalo, nasikwat rin ng Toyota Otis ang ikalawang playoff seat para sa isa sa dalawang automatic semifinals berth.

Dalawang basketball nina Patrick Cabahug at Erik Rodriguez at split ni Jon Aldave sa huling minuto ng laro ang nagtawid sa 69-65 panalo ng Sparks sa TeleTech Titans sa classification phase ng 2007 PBL Silver Cup kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue, Manila.

"Ang magiging senaryo lang is if Harbour Centre wins it’s game against Kettle Korn-UST, baka sila ang maka-playoff namin for the second outright semifinals slot," ani coach Louie Alas.

Umiskor si Marvin Cruz ng 17 puntos kasunod ang 15 ni Patrick Cabahug para sa 7-3 karta ng Toyota Otis katabla ang Mail & More sa itaas, habang bumababa naman ang TeleTech sa 4-5.

Samantala, sa unang laro, tinapos naman ng Magnolia Ice Cream ang pag-asa ng Sista Super Sealants na makasikwat ng isang playoff slot para sa isa sa dalawang outright semifinal seat nang iposte ang 68-49 panalo.

"Pressured ang Sista to win, pero kami okay lang because we have nothing to lose," ani mentor Koy Banal sa kanyang Spinners, may 3-7 rekord, habang nahulog sa 6-4 ang baraha ng Super Sealers.

Matapos isara ang ikatlong yugto bitbit ang 50-33 abante, itinala ng Magnolia ang isang 21 point lead, 59-38, sa 4:24 ng final canto mula sa dalawang freethrows ni Pong Escobal.

Tuluyan nang sinelyuhan ng Spinners, nanggaling sa isang three-game losing slump, ang kanilang panalo sa Super Sealers matapos ikarga ang 62-40 lamang sa huling 3:34 nito.

Bilang No. 8 team, sasagupain ng Magnolia ang No. 9 Kettle Korn-UST sa unang playoff phase patungo sa quarterfinals. (Russell Cadayona)

BILANG NO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

ERIK RODRIGUEZ

HARBOUR CENTRE

JON ALDAVE

KETTLE KORN

KOY BANAL

PATRICK CABAHUG

SUPER SEALERS

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with