Wish ko lang na sana wala nang pasaway na mga tao dito.
Kasi habang tumatagal parang ayaw nang maniwala ng marami na may pag-asa pa tayo sa basketball.
Sayang lang naman kung matutuloy ang naturang congress kung may oposisyon na naman.
Pati ba naman sa basketball may oposisyon. Para talagang pulitika di ba?
Kahit nga minsan kulang sa sponsor tuloy pa rin ang pagpapa-tournament niya dahil sa pagmamahal niya sa chess.
Sa katunayan, mayroon siyang Milo Checkmate Saturday at Sunday clinics sa ibat ibang lugar dito sa Kamaynilaan.
Sa January 20-21, gaganapin ito sa St. Francis Square (SFS), sa Mandaluyong City.
Ang iba pang schedules ay Saturday-only clinics sa Jan. 20 sa: Jollibee-Harrison Plaza sa Mabini St., Manila- 8:30am-12:30pm; McDonald-Alabang sa may Alabang-Zapote Road 7:30-11:30am at Chowking-Anonas sa Proj. 3, Quezon City- 2:00-6:00pm. Sa mga interesado tumawag sa 826-8560 o 0916-852-1069 at 0916-6608-712.
Naway bigyan ninyo ng daan ang aking munting liham.
Batay sa naibalita ni Russell Cadayona noong Dec. 27, 2006.
Panukala ni dating Gintong Alay Director Michael Keon, ngayon pa lamang ay maghanda na sa pagsasanay ang mga atleta para manalo at maidepensa ang SEAG title.
Maging sa sinabi at isinulat ni G. Bill Velasco sa kanyang Column na "GAME NA!" noong Disyembre 28. Sanay makinig tayo sa babala ni Mike Keon.
Walang problema sa mga atleta natin, pwede na silang magsimula ngayon. Unang-una ang kailangan ay panalangin at paghingi ng patnubay mula sa Diyos. Araw - araw pwede silang mag-ensayo kahit saan kung gugustuhin nila, at kailangan ng buong suporta mula sa ating gobyerno. Dapat talaga kumpleto sa kagamitan at walang problema sa kanilang pinansyal at sa mga lider.
Patunayan natin na kaya nating mag-overall champion kahit sa labas ng ating bansa, ang kailangan ay magtulungan.
Sa mga atleta, trainer at coaches "Mabuhay Kayong Lahat"!!!
Marami pong salamat!!!
Romeo San Diego
rsd_eb@yahoo.com.