^

PSN Palaro

PATI SA BASKETBALL MAY OPOSISYON PARANG PULITIKO! HE HE HE!

SPORTS - Dina Marie Villena -
Magkakaroon ng ‘unity congress’ sa Pebrero 5 sa Dusit Hotel Nikko sa Makati. Layunin nito ang pagtitipon-tipon ng lahat ng basketball leaders at ng iba pang involve para sa pagkakaisa ng lahat upang mapaalis na ang suspensiyon ng FIBA sa bansa at makasama na tayo uli sa senaryo ng basketball sa labas ng bansa.

Wish ko lang na sana wala nang pasaway na mga tao dito.

Kasi habang tumatagal parang ayaw nang maniwala ng marami na may pag-asa pa tayo sa basketball.

Sayang lang naman kung matutuloy ang naturang congress kung may oposisyon na naman.

Pati ba naman sa basketball may oposisyon. Para talagang pulitika di ba?
* * *
Kung meron mang isang taong grabe ang malasakit sa chess ito ay walang iba kundi si Mila Emperado ng Metropolitan Chess Club. Hindi nagsasawa si Mila sa pag-organize ng mga chess clinics at tournament para sa mga kabataang may potensiyal sa chess.

Kahit nga minsan kulang sa sponsor tuloy pa rin ang pagpapa-tournament niya dahil sa pagmamahal niya sa chess.

Sa katunayan, mayroon siyang Milo Checkmate Saturday at Sunday clinics sa iba’t ibang lugar dito sa Kamaynilaan.

Sa January 20-21, gaganapin ito sa St. Francis Square (SFS), sa Mandaluyong City.

Ang iba pang schedules ay Saturday-only clinics sa Jan. 20 sa: Jollibee-Harrison Plaza sa Mabini St., Manila- 8:30am-12:30pm; McDonald-Alabang sa may Alabang-Zapote Road 7:30-11:30am at Chowking-Anonas sa Proj. 3, Quezon City- 2:00-6:00pm. Sa mga interesado tumawag sa 826-8560 o 0916-852-1069 at 0916-6608-712.
* * *
Nais kong bigyan daan ang isang reader natin na nag-email.

Nawa’y bigyan ninyo ng daan ang aking munting liham.

Batay sa naibalita ni Russell Cadayona noong Dec. 27, 2006.

Panukala ni dating Gintong Alay Director Michael Keon, ngayon pa lamang ay maghanda na sa pagsasanay ang mga atleta para manalo at maidepensa ang SEAG title.

Maging sa sinabi at isinulat ni G. Bill Velasco sa kanyang Column na "GAME NA!" noong Disyembre 28. Sana’y makinig tayo sa babala ni Mike Keon.

Walang problema sa mga atleta natin, pwede na silang magsimula ngayon. Unang-una ang kailangan ay panalangin at paghingi ng patnubay mula sa Diyos. Araw - araw pwede silang mag-ensayo kahit saan kung gugustuhin nila, at kailangan ng buong suporta mula sa ating gobyerno. Dapat talaga kumpleto sa kagamitan at walang problema sa kanilang pinansyal at sa mga lider.

Patunayan natin na kaya nating mag-overall champion kahit sa labas ng ating bansa, ang kailangan ay magtulungan.

Sa mga atleta, trainer at coaches "Mabuhay Kayong Lahat"!!!

Marami pong salamat!!!

Romeo San Diego

[email protected].
* * *
Personal: Happy birthday kina Florie Cabigao (Jan. 16) at Fe Sagun (Jan.21), mga kaibigang Pinoy na nakilala ko sa Doha, Qatar. Also to Jan Sebastian Navarro sa Jan. 19. Si Jan Sebastian ay anak ng dating SSC Stags player na si Eton Navarro. Miyembro din siya ng San Beda Passerelle team na nag-champion sa Best Center Passerelle tournament.

ALABANG-ZAPOTE ROAD

BEST CENTER PASSERELLE

BILL VELASCO

CENTER

DUSIT HOTEL NIKKO

ETON NAVARRO

FE SAGUN

JAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with