Umaasang masisikwat ang isang playoff slot para sa isa sa dalawang outright semifinal ticket, haharapin ng Sparks ang TeleTech Titans ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pakikipagtagpo ng Super Sealers sa Magnolia Spinners sa alas-2 sa classification phase ng 2007 PBL Silver Cup sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue.
"Parang do-or-die na rin kasi kapag natalo ka hindi ka na makakakuha ng playoff eh," wika ni coach Louie Alas ng Toyota Otis, may 6-3 kartada katulad ng Sista, Hapee-PCU at Harbour Centre sa ilalim ng 7-3 rekord ng Mail & More.
Tanging ang Comets pa lamang ni Lawrence Chong-son ang nakapagbulsa ng isang playoff spot mula sa naturang baraha.
Nanggaling ang Sparks sa 81-71 panalo sa Comets noong Sabado na siyang tumapos sa itinalang six-game winning streak ng huli, habang nakalasap naman ng isang 83-93 double overtime loss ang Titans sa Port Masters.
"We're playing well but we can't relax especially against the Titans," sabi ni Alas sa kan-yang Toyota Otis, runner-up sa Harbour Centre sa nakaraang PBL Unity Cup Finals. "They've lost their last three games, so I'm sure gusto nilang maka-balik sa winning track."
Tinalo ng Toyota Otis ni Alas ang TeleTech ni Jerry Codiñera, 68-66, sa kanilang unang pagkikita noong Nob-yembre 14.
Hindi naman makikita sa bench ng Sista si mentor Caloy Garcia sa kanilang pagtatagpo ng Magnolia bunga ng ipinataw ritong one-game suspension mula sa kanyang unsports-manlike behavior sa 66-82 kabiguan ng Super Sealers sa Sparks noong Enero 9.
"We practiced hard for our game against Magnolia. Pinag-usapan na namin kung ano ang dapat nilang gawin para manalo ulit kami," bilin ni Garcia kay assistant Mike Buendia na siyang magma-mando sa Super Sealers, binigo ang Spinners, 77-71, noong Nobyembre 11.
Mula sa kanilang 2-7 marka, haharapin ng Magnolia ang Kettle Korn-UST (0-8) para sa unang playoff phase kung saan ang mananalo ang sasa-gupa sa No. 5 team para sa ikalawang playoff round at lalabanan naman ng No. 6 at No. 7 patungo sa quarterfinals. (Russell Cadayona)