^

PSN Palaro

Toyota at Sista mag-uunahan sa unang playoff slot

-
Maituturing na rin itong isang 'do-or-die' game para sa Toyota Otis at Sista Super Sealants. 

Umaasang masisikwat ang isang playoff slot para sa isa sa dalawang outright semifinal ticket, haharapin ng Sparks ang TeleTech Titans ngayong alas-4 ng hapon matapos ang pakikipagtagpo ng Super Sealers sa Magnolia Spinners sa alas-2 sa classification phase ng 2007 PBL Silver Cup sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Taft Avenue. 

"Parang do-or-die na rin kasi kapag natalo ka hindi ka na makakakuha ng playoff eh," wika ni coach Louie Alas ng Toyota Otis, may 6-3 kartada katulad ng Sista, Hapee-PCU at Harbour Centre sa ilalim ng 7-3 rekord ng Mail & More.

 Tanging ang Comets pa lamang ni Lawrence Chong-son ang nakapagbulsa ng isang playoff spot mula sa naturang baraha.

 Nanggaling ang Sparks sa 81-71 panalo sa Comets noong Sabado na siyang tumapos sa itinalang six-game winning streak ng huli, habang nakalasap naman ng isang 83-93 double overtime loss ang Titans sa Port Masters.

 "We're playing well but we can't relax especially against the Titans," sabi ni Alas sa kan-yang Toyota Otis, runner-up sa Harbour Centre sa nakaraang PBL Unity Cup Finals. "They've lost their last three games, so I'm sure gusto nilang maka-balik sa winning track."

 Tinalo ng Toyota Otis ni Alas ang TeleTech ni Jerry Codiñera, 68-66, sa kanilang unang pagkikita noong Nob-yembre 14. 

 Hindi naman makikita sa bench ng Sista si mentor Caloy Garcia sa kanilang pagtatagpo ng Magnolia bunga ng ipinataw ritong one-game suspension mula sa kanyang unsports-manlike behavior sa 66-82 kabiguan ng Super Sealers sa Sparks noong Enero 9.

 "We practiced hard for our game against Magnolia. Pinag-usapan na namin kung ano ang dapat nilang gawin para manalo ulit kami," bilin ni Garcia kay assistant Mike Buendia na siyang magma-mando sa Super Sealers, binigo ang Spinners, 77-71, noong Nobyembre 11. 

Mula sa kanilang 2-7 marka, haharapin ng Magnolia ang Kettle Korn-UST (0-8) para sa unang playoff phase kung saan ang mananalo ang sasa-gupa sa No. 5 team para sa ikalawang playoff round at lalabanan naman ng No. 6 at No. 7 patungo sa quarterfinals. (Russell Cadayona)

CALOY GARCIA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

HARBOUR CENTRE

JERRY CODI

KETTLE KORN

LAWRENCE CHONG

SUPER SEALERS

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with