Isa pang panalo asam ng Mail & More
January 13, 2007 | 12:00am
Isang panalo na lamang ang layo ng bagitong Mail & More upang maibulsa ang isa sa dalawang semifinal ticket.
"Were almost there, kaya we have to work harder to finally get that first outright semifinal slot," wika ni coach Lawrence Chongson sa kanyang Comets, nasa isang five-game winning run ngayon. "Ito na siguro yung break na hinihintay namin to achieve our first goal, which is to make it first sa semifinals."
Ibinabandera ang matayog na 7-2 kartada, haharapin ng Mail & More ang bigating Toyota Otis ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng Harbour Centre at TeleTech sa alas-4 sa classification phase ng 2007 PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Nasa ilalim ng Comets ang dating nangungunang Hapee-PCU Teethmasters (6-3), Sista Super Sealers (6-3), Sparks (5-3), Port Masters (5-3), Titans (4-4), Cebuana Lhuillier Moneymen (4-5), Magnolia Spinners (2-7) at Kettle Korn-UST Pop Kings (0-8).
Nasingil ng Mail & More ang isang playoff berth para sa isa sa dalawang outright semis spot matapos talunin ang TeleTech, 78-67, noong Martes sa EAC Gym.
"The boys are hungrier at nandiyan na rin yung cohe-siveness nila as a team. Im very confident that we can make it through," ani Chong-son, dating miyembro ng coaching staff ni Alfrancis Chua sa Tanduay sa PBL.
Ang ikalawang playoff seat naman ang target ng Toyota Otis ni mentor Louie Alas matapos umiskor ng isang 82-66 panalo kontra Sista noong Martes.
"Medyo nagkakasikipan na sa puwestuhan for the two outright semifinal slot, kaya we have to make sure that we win this game against Mail & More," wika ni Alas sa kanyang Sparks, sumegunda sa Port Masters sa nakaraang PBL Unity Cup.
Sakaling magkaroon ng isang five-way tie sa itaas kung saan maglilista ng magkaka-tulad na 7-3 baraha ang Mail & More, Hapee-PCU, Sista, Toyota Otis at Harbour Centre matapos ang classification round. At para madetermina kung sino ang uupo sa dala-wang outright semis seat, dalawang playoff game ang idaraos. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended