Ang 29-gulang na si Hernandez, tinatawag na JB ng kanyang mga kaibigan at sa Bayang Karerista, ang nanalo ng Jockey of the Year award sa ikalawang sunod na taon laban sa kanyang kapwa Class A rider na si Patti Dilema.
Wala namang naging kalaban si Real Spicy para sa Horse of the Year award matapos ang kanyang matagumpay na 2006 season nang kanyang mapanalunan ang limang malalaking karera na pinakamarami para sa isang kabayo.
Nanalo si Hernandez ng 224 sa kanyang 786 rides noong 2006 para sa P47,748,138.65 winnings.
Ang tagumpay ni Real Spicy na nagpa-aalala ng kanyang stablemate na si Wind Blown, naipanalo ng apat na taong gulang na kabayo ang 12-sunod na karera sa kanyang unbeaten season para sa kabuuang premyong P6 million para sa businessman-sportsman na si Hermie Esguerra.
Makakasama nina Hernandez at Real Spicy ang iba pang atleta at entities na naging matagumpay sa nagdaang taon na paparangalan ng pinakamatandang media association ng bansa sa pangunguna nina professional boxer Manny Pacquiao, cue artists Ronnie Alcano at Efren Bata" Reyes, bowler Biboy Rivera at mga Asian Games gold medalists Rene Catalan, Antonio Gabica, Violito Payla at Joan Tipon bilang mga Athletes of the Year.