^

PSN Palaro

Hernandez, Real Spicy PSA awardees sa horseracing

-
Sina veteran jockey Jonathan B. Hernandez at ang kabayong si Real Spicy ang tatanggap ng pinakamataas na award sa horse-racing na igagawad ng sportswriting fraternity sa SMC-PSA Annual Awards sa January 18 sa Mall of Asia.

Ang 29-gulang na si Hernandez, tinatawag na ‘JB’ ng kanyang mga kaibigan at sa Bayang Karerista, ang nanalo ng Jockey of the Year award sa ikalawang sunod na taon laban sa kanyang kapwa Class A rider na si Patti Dilema.

Wala namang naging kalaban si Real Spicy para sa Horse of the Year award matapos ang kanyang matagumpay na 2006 season nang kanyang mapanalunan ang limang malalaking karera na pinakamarami para sa isang kabayo.

Nanalo si Hernandez ng 224 sa kanyang 786 rides noong 2006 para sa P47,748,138.65 winnings.

Ang tagumpay ni Real Spicy na nagpa-aalala ng kanyang stablemate na si Wind Blown, naipanalo ng apat na taong gulang na kabayo ang 12-sunod na karera sa kanyang unbeaten season para sa kabuuang premyong P6 million para sa businessman-sportsman na si Hermie Esguerra.

Makakasama nina Hernandez at Real Spicy ang iba pang atleta at entities na naging matagumpay sa nagdaang taon na paparangalan ng pinakamatandang media association ng bansa sa pangunguna nina professional boxer Manny Pacquiao, cue artists Ronnie Alcano at Efren ‘Bata" Reyes, bowler Biboy Rivera at mga Asian Games gold medalists Rene Catalan, Antonio Gabica, Violito Payla at Joan Tipon bilang mga Athletes of the Year.

ANNUAL AWARDS

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

ATHLETES OF THE YEAR

BAYANG KARERISTA

BIBOY RIVERA

CLASS A

HERMIE ESGUERRA

HERNANDEZ

REAL SPICY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with