^

PSN Palaro

‘Di magandang asal ng baseball team inirereklamo

-
Bukod sa palpak na kampanya ng national baseball team sa nakaraang 15th Asian Games, ilang reklamo rin sa kanilang magaspang na asal ang nakarating sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay POC chairman Robert Aventajado, inaasahan niyang matatanggap ngayong linggo ang ulat ni Mario Tanchangco ng sepak takraw ukol sa imbestigasyon nito sa national baseball squad.

"We want to know how they handle theirselves as part of the Philippine delegation during the Asian Games. May mga sumbong kasina medyo nag-misbehave sila doon," wika ni Aventajado.

Bago ang 2006 Doha Asian Games sa Qatar noong Disyembre 1-15, ipinangako ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Hector Navasero na makakapanalo sila sa kabila ng mabibigat na asignatura.

Ito naman ang pinaniwalaan ni Aventajado na siyang kumalap ng P600,000 mula kay Nueva Ecija Gov. Tomas Joson para sa pamasaheng koponan patungo sa Doha.

Ngunit walang naipanalo kahit isang laro ang mga national clouters sa naturang quadrennial event. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

AVENTAJADO

DOHA ASIAN GAMES

HECTOR NAVASERO

MARIO TANCHANGCO

NUEVA ECIJA GOV

PHILIPPINE AMATEUR BASEBALL ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROBERT AVENTAJADO

RUSSELL CADAYONA

TOMAS JOSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with