^

PSN Palaro

Pinoy mountaineers at iba pang Asiad medalists pararangalan

-
Mula sa tuktok ng Mt. Everest patungo sa patag na daan ng Doha, Qatar, pararangalan ang mga Filipino athletes na gumawa ng kani-kanilang ingay sa 2006 Philippine sports, sa Enero 18 sa taunang PSA-SMC Annual Awards Night sa Mall of Asia.

Makikisosyo sa eksena kasama ang walong personalidad na babanderahan ni boxing superstar Manny Pacquiao, hinirang na Athletes of the Year ng 58 anyos na asosasyon, ang unang tatlong Pinoy mountain climbers na nakarating sa tuktok ng pinakamataas na bundok sa mundo at ang mga silver at bronze medalists sa nakaraang Asian Games.

Sina Leo Oracion, Pastor Emata at Romy Garduche, na umakyat sa tuktok ng 29,035 feet na Mt. Everest ay gagawaran ng PSA President’s Award habang ang mga Doha Asiad medallists ay kikilalanin din ng pinakamatandang sports organization sa bansa.

Nauna rito, si Pacquiao at ang pito pa na sina billiards champion Efren ‘Bata’ Reyes and Ronnie Alcano, bowler Biboy Rivera at Asiad gold medal winners Joan Tipon, Violito Payla, Antonio Gabica at Rene Catalan ang napiling Athletes of the Year.

Sina PBA 2005-06 Most Valuable Player (MVP) James Yap (pro basketball) naman ang babandera sa anim na pararangalan ng major awards na binubuo nina Ken Bono (amateur basketball), Juvic Pagunsan (golf), Jonathan B. Hernandez (horse-racing) at Real Spicy (horse-racing).  

Ang magaganda at batang golfers na sina Dottie Ardina, Mia Legaspi at Cyna Rodriguez, kasama ang chess prodigy na si Wesley So ang tatanggap ng Antonio Siddayao award, na iginagawad sa mga atletang nagpamalas ng husay sa kanilang murang edad.

Tatanggap naman ng PSA Lifetime Achievement award sa two-hour ceremony na magsisimula sa alas- 3 ng hapon si dating World Chess Federation (FIDE) president Florencio Campomanes habang si Eugene Torre, ang kauna-unahang Asia’s first Grandmaster ng Asya sa panahon ni Campomanes ay iaakyat sa PSA Hall of Fame.

Ang maalamat na golfer na si Ben Arda at two-time PSA president at former Manila Standard Today sports editor Bert Cuevas ang kasama sa siyam na dakilang personalidad sa larangan ng sports ang bibigyan ng posthumous award.

At dahil sa produktibong taon na ipinamalas sa Asya at sa buong mundo, ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at ang Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) ay napiling Outstanding NSAs.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANNUAL AWARDS NIGHT

ANTONIO GABICA

ANTONIO SIDDAYAO

ASIAN GAMES

ASYA

ATHLETES OF THE YEAR

BEN ARDA

BERT CUEVAS

MT. EVEREST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with