^

PSN Palaro

Walang bakasyon, nagbunga ng maganda

- Ni Russell Cadayona -
Habang nagbabakasyon ang ibang koponan, nasa gym naman ang Mail & More para panatilihin ang kanilang porma.

At ang resulta nito ay ang kanilang ikalimang sunod na pagratsada.

Umiskor si Jerby del Rosario ng 17 puntos, habang nagdagdag naman sina Mike Bravo at Elmer Espiritu ng tig-13 puntos para igiya ang Comets sa 84-63 paglampaso sa Kettle Korn-UST sa eliminasyon ng PBL Silver Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Bago magPasko, nagpractice muna kami and then after the Christmas break nagteam building naman kami," ani coach Lawrence Chongson sa Mail & More na nakisosyo sa Sista Super Sealants sa liderato mula sa magkatulad nilang 6-2 baraha.

Matapos kunin ang first period, 24-6, muling itinala ng Comets ang isang 19-point lead, 34-15 sa 5:33 ng ikalawang quarter.

Sa likod nina Anthony Espiritu at Allan Evangelista, nakalapit ang Pop Kings, may 0-8 record ngayon, sa 34-41 agwat sa 8:13 oras ng ikatlong yugto.

Sa kabila ng pag-upo nina 6’6 JR Quiñahan at slasher Mike Bravo sa kabuuan ng final canto, naitala pa rin ng Mail & More ang isang 26 point advantage, 77-51 sa huling 4:32 nito.

"Medyo nafoul trouble si JR kaya hindi ko na ipinasok sa fourth quarter," ani Chongson kay Quiñahan, na tumipa ng 7 puntos, 7 boards, 3 shotblocks, 1 assist at 1 steal sa loob ng 17 minuto. "Mabuti na rin yung napahinga siya para sa game namin sa Tuesday."

Nanahimik naman si Jojo Duncil, na may average na 16 puntos sa unang pitong laro ng Kettle Korn, nang malimita lamang ito sa 4 puntos bunga ng mahusay at malagkit na depensa ng Mail & More.

Sa ikalawang laro, ipinatikim naman ng Harbour Centre sa Hapee-PCU ang ikatlong sunod na kabiguan nito sa pamamagitan ng 75-67 iskor.

"At least we’re getting better and we’re playing as a team now," ani coach Jorge Gallent ng Port Masters, na may 5-3 record na tulad ng kanilang biktima.

ALLAN EVANGELISTA

ANTHONY ESPIRITU

ELMER ESPIRITU

HARBOUR CENTRE

JOJO DUNCIL

JORGE GALLENT

KETTLE KORN

LAWRENCE CHONGSON

MIKE BRAVO

OLIVAREZ SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with