Gustong kalabanin ni Barrera si Pacquiao
January 7, 2007 | 12:00am
Bago man lamang siya magretiro ay gusto niyang muling makalaban si Filipino boxing hero Manny Pacquiao.
Ito ang kahilingan ni World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Marco Antonio Barrera ng Mexico kaugnay sa napipinto niyang pagtigil sa boxing bago matapos ang 2007.
Sinabi ni Roberto Diaz, matagal nang assistant sa Mexican boxing legend, sapul nang patigilan ni Pacquiao si Barrera sa 11th round ng kanilang "People's Featherweight Championship" noong Nobyembre 15 ng 2003 sa El Paso, Texas ay naghanap na ito ng rematch kay "Pacman" si "Baby Assasin".
"Marco was at the Pacquiao-Morales fight. After the fight, Marco asked Oscar (Dela Hoya) and Richard (Schaefer) for a rematch with Pacquiao. That is the fight he wanted."
Ngunit dahilan sa 'promotional dispute' sa pagitan ng Golden Boy Promotions ni Dela Hoya at ng Top Rank Promotions ni Bob Arum, hindi na natuloy ang rematch nina Pacquiao at Barrera.
Sa halip, ilalaban ng Golden Boy si Barrera kay World Boxing Organization (WBO) featherweight titlist Juan Manuel Marquez, nakaiskor ng isang split draw kay Pacquiao sa kanilang title fight noong Mayo ng 2004 sa Las Vegas, sa Marso 17 sa MGM Grand.
Ayon kay Arum, tiyak na ang kabiguan ni Barrera kay Marquez bukod pa sa mas mababang kikitain nito kumpara sa kanilang naudlot na rematch ni Pacquiao na pamamahalaan ng Top Rank bilang promoter.
"The fight will be great," sagot naman ni Diaz sa nasabing Barrera-Marquez fight. "Marquez is an excellent fighter and it will be wonderful event. It will be a tough and exciting fight, just like anytime two Mexican greats get into the ring to do battle."
Kasalukuyan namang namimili sa listahan ng Top Rank ang 28-anyos na si Pacquiao, ang WBC International super featherweight champion matapos ang pagdedepensa kay Erik Morales noong Nobyembre ng 2006, ng kanyang makakalaban sa Abril 28 sa Macau, China.
"What would have happened if I got another shot at Pacquiao?" tanong lamang ni Barrera, katulad ni Pacquiao ay dalawang beses na ring tinalo si Erik Morales. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended