Sina boxing superstar Manny Pacquiao, pool champions Efren Bata Reyes at Ronnie Alcano, bowler Biboy Rivera at Asian Games gold medalists Joan Tipon, Violito Payla, Antonio Gabica at Rene Catalan ay maipagmamalaki ng ating bansa dahil sa kani-kanilang magagandang performance na tumulong na maging memorable ang 2006 sa buong Sambayanang Pilipino.
At ang kanilang kabayanihan ay karapat-dapat lamang na mabigyan ng pinakamataas na parangal ng Philippine Sports-writers Association, kung saan ang walo ang napiling 2006 Athletes of the Year sa PSC-SMC Annual Awards Night sa Mall of Asia sa January 18.
Ang naturang pagsulong ay isa namang walang kaparis para sa 58 anyos na asosasyon matapos nitong gawaran ang Team Philippines bilang Athlete of the Year noon 2005 matapos ang makasaysayan at kauna-unahang overall championship sa Southeast Asian Games.
A bukod dito sa pinakamataas na parangal na ibibigay sa walong sportsmen, tatanggapin din ni Pacquiao ang once-in-a-lifetime PSA Bayani ng Lahi trophy bilang pagkilala sa kanyang tagumpay kay Mexican boxing legend Erik Morales na nagbigay kasiyahan sa buong Sambayanang Pilipino.
"The PSA was one in choosing all eight of them as deserving of the Athlete of the Year honor," wika ni PSA president Jimmy Cantor ng Malaya.
"It is with deep pride and honor for the association to recognize them in a simple but meaningful rites two weeks from now," dagdag pa niya.
Inaasahan ang pagdalo ng mga pangunahing sports officials na pamumunuan nina Sports Commission (PSC) chairman William Butch Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Peping Cojuangco sa affair na magsisimula sa alas-3 ng hapon.
Bukod sa walong Athlete of the Year recipients, bibigyan din ng major awards sina James Yap (pro basketball), Ken Bono (amateur basketball), Juvic Pagunsan (golf), Santy Barnachea (cycling), jockey Jonathan B. Hernandez (horseracing) at Real Spicy (horseracing).