^

PSN Palaro

Training ni Pacquiao ang aatupagin ni Roach

-
Ang pagtetraining na lamang kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao ang siyang aatupagin ni Hall of Famer Freddie Roach.

 Ayon kay Roach, hindi niya pakikialaman ang anumang magiging desisyon ng 28-anyos na si Pacquiao hinggil sa kanyang professional boxing career matapos na ring pagtibayin ang nilagdaan niyang four-year contract kay Bob Arum ng Top Rank Promotions.

 "Well, Manny is a grown-up man, he makes his own decision," ani Roach sa tubong General Santos City. "Me, I’ll stay as a trainer. That’s my work. He decides to be promoted by Top Rank, so be it, I can’t do nothing about that."

 Matatandaang kinatigan ni Roach ang Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya, pinapirma si Pacquiao sa isang seven-fight contract noong Setyembre, bunga ng mas malalaking boksingerong maaaring kalabanan ni "Pacman".

 Isa na rito ay si World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Marco Antonio Barrera, pinigil ni Pacquiao sa 11th round ng kanilang "People’s Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003.

 Ang laban ni Pacquiao, ang kasalukuyang World Boxing Council (WBC) International super featherweight champion, sa Abril 28 sa Macau, China ang paghahandaan ni Roach.

 Kabilang sa listahang ibinigay ni Arum bilang posibleng makasagupa ni Pacquiao ay ang mga di-kilalang sina Guadalupe Rosales, Agnaldo Nunes, Malcolm Klassen, Nobuhiro Honmo, Francisco Lorenzo at Yusuke Kobori.

 Sa nasabing mga boksingero, tanging ang South African na si Klassen ang may pangalan bunga ng kanyang pagiging super feather-weight ruler sa International Boxing Federation (IBF) taglay ang 19-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 10 knock-outs.

Samantala, kinumpirma naman ni Roach na hindi siya tatayong trainer ni Dela Hoya  taliwas na inihayag ni Arum.

"There’s no way I can train him. We talked several times, but it’s just no way for me to train him," sabi ni Roach sa alok sa kanya ni Dela Hoya na maging trainer sa kanilang championship fight ni Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 5.

Sa pagkatig ni Pacquiao kay Arum, itinulak na ni Dela Hoya ang laban ni Barrera kay World Boxing Organization (WBO) featherweight titlist Juan Manuel Marquez sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. (Russell Cadayona)

AGNALDO NUNES

BOB ARUM

DELA HOYA

FEATHERWEIGHT CHAMPIONSHIP

FLOYD MAYWEATHER

FRANCISCO LORENZO

PACQUIAO

WORLD BOXING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with