"I didn't turn promoter to sue fighters. I turned promoter to help the sport of boxing. I turned promoter to help the fighters," wika kahapon ni Dela Hoya.
Matatandaang sinampahan ni Dela Hoya ng kaso si Arum ukol sa pagpapapirma nito sa 28-anyos na si Pacquiao ng isang four-year contract noong Nobyembre 18 matapos pabagsakin ng tubong General Santos City si Mexican great Erik Morales sa third round ng kanilang "Grand Finale" sa Las Vegas, Nevada.
Bago mapapirma ni Arum, isang seven-fight deal muna ang nilagdaan ni "Pacman" sa Golden Boy noong Setyembre sa kanyang pagdating sa Los Angeles, California.
Kumpiyansa si Arum na siya ang mananalo sa kasong isinampa sa kanya ni Dela Hoya sa isang korte sa Las Vegas.
"It's in the judge's hands and we are going to take it from there," ani Dela Hoya, inaasahang darating sa Pilipinas ngayong buwan ukol sa pamamahala ng Golden Boy sa World Cup: Mexico vs. Philippines sa Marso 4 sa Cebu City. "We feel very, very strongly that we are the promoters of Pacquiao."
Sa pagtanggi ni Pacquiao sa alok na 50-50 deal ng Golden Boy sa kanilang rematch ni World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Marco Antonio Barrera sa Marso 17 sa MGM Grand sa Las Vegas, itutuloy na lamang nito ang laban ng tinaguriang "Baby Assasin" sa kababayang si Juan Manuel Marquez.
Ayon kay Arum, may siyam siyang boksingerong maaaring makasagupa ni Pacquiao sa Abril 28 sa Macau.
"I was puzzled by the comment of Arum that he had nine opponents lined up for Pacquiao because we have all the top guys and there's no way he can make a fight with the top guys," wika ni Dela Hoya.
Sinabi naman ni Pacquiao na ang laban niya sa Abril 28 sa Macau ang kanyang pagtutuunan ng pansin.
"I'm not ready for March. Sa April pa ako puwede. Walang problema sa akin kung hindi kami maglaban ni Barrera. Puwede pa naman akong lumaban. May lima kaming pinagpipilian sa ngayon," ani Pacquiao. (Russell Cadayona)