Happy 2007 sa inyong lahat!
January 3, 2007 | 12:00am
Bagong taon, bagong pag-asa, bagong buhay .
Haharapin natin ang bagong taon na ito dala-dala ang ibayong pag-asa na puede pang magbago ang ating buhay, ang ating bansa, ang ating pulitika.
Aasa tayo na ngayong 2007, magkakaroon tayo ng kakaibang programa para lalong matulungan ang marami nating athletes in their continued search for global excellence in the field of sports.
Aasa tayo na ang pondo na ibibigay ng gobyerno para sa ating mga atleta ay mapupunta talaga sa kanila, at hindi sa ibang tao.
Aasa tayo na sa pamamagitan ng magandang training, magkakaroon na ng katuparan ang hangarin nating magkaroon ng una nating gold medal sa Olympics.
Sa basketball, aasa tayo na tunay ang magiging pagkakasundo-sundo ng mga officials natin to pave the way for the lifting of our FIBA suspension.
Aasa tayo na ibababa na ng mga opisyales natin ang kanilang pride para maisaayos lang ang lahat sa basketball dito sa ating bansa.
Aasa tayo na wala na munang ibang makikialam sa affairs ng amateur basketball.
Ang amateur basketball ay amateur basketball, at hindi na professional basketball.
Magkaibang mundo na yan at kahit ano pa ang sabihin mo, magkaiba pa rin ang interes niyan. At the end of the day, pansariling interes pa rin ang mananaig dyan.
Kaya sana, kung ano man ang problema meron ang ating amateur basketball, let the people from the amateur basketball world solve their own problems.
Wala na munang ibang manghihimasok.
Aasa pa ba tayo dyan?
Sa boxing, aasa tayo na sana ay patuloy na magbibigay ng karangalan para sa ating bansa si Manny Pacquiao.
Si Manny ay isang simbolo ng pambihirang pakikipaglaban sa buhay upang maiahon ang sarili at ang pamilya niya sa hirap.
Biruin mong isang dating construction worker at panadero, ngayoy kilalang kilala na sa buong mundo.
Biruin mong dating nakatira sa isang maliit na bahay, ngayon eh 35-million mansion na.
Ang pag-ahon sa hirap na yan ni Manny ang siyang patuloy na magbibigay ng pag-asa sa maraming Pinoy na ngayony nakasadlak sa hirap at animoy wala nang nakikitang magandang kinabukasan.
Yan ay patuloy na magbibigay ng inspirasyon sa bawatt isang nawawalan na ng pag-asa sa buhay na oo nga, hanggang humihinga, hanggang nakakalaban pa sa mga suntok ng buhay, tunay ngang may pag-asa pa.
We welcome the coming of the new year with brighter and better hopes not only for Philiipine sports.
But more so, for the whole Philippines. Sana ngay patuloy na lumakas ang piso natin laban sa dolyar. Sana nga ay makaboto na tayo ng tamang mga senador at kongresista sa susunod na eleksyon. Panay ang tira natin sa Kongreso natin dahil sa walang kapararakan na pagbabangayan nila, pero kung tatanungin natin ang mga sarili natin, teka, sino ba ang naglagay sa mga yan? Di bat tayo rin? Ang pagdating ng May 2007 elections ay isang hudyat para sa bawat Pilipino na ngayon naman, mag-isip na tayong mabuti at mag-isip ng tama sa ating pagboto.
O siya, 365 days na lang, Pasko na!
Happy new sa inyong lahat!
Haharapin natin ang bagong taon na ito dala-dala ang ibayong pag-asa na puede pang magbago ang ating buhay, ang ating bansa, ang ating pulitika.
Aasa tayo na ngayong 2007, magkakaroon tayo ng kakaibang programa para lalong matulungan ang marami nating athletes in their continued search for global excellence in the field of sports.
Aasa tayo na ang pondo na ibibigay ng gobyerno para sa ating mga atleta ay mapupunta talaga sa kanila, at hindi sa ibang tao.
Aasa tayo na sa pamamagitan ng magandang training, magkakaroon na ng katuparan ang hangarin nating magkaroon ng una nating gold medal sa Olympics.
Aasa tayo na ibababa na ng mga opisyales natin ang kanilang pride para maisaayos lang ang lahat sa basketball dito sa ating bansa.
Aasa tayo na wala na munang ibang makikialam sa affairs ng amateur basketball.
Ang amateur basketball ay amateur basketball, at hindi na professional basketball.
Magkaibang mundo na yan at kahit ano pa ang sabihin mo, magkaiba pa rin ang interes niyan. At the end of the day, pansariling interes pa rin ang mananaig dyan.
Kaya sana, kung ano man ang problema meron ang ating amateur basketball, let the people from the amateur basketball world solve their own problems.
Wala na munang ibang manghihimasok.
Aasa pa ba tayo dyan?
Si Manny ay isang simbolo ng pambihirang pakikipaglaban sa buhay upang maiahon ang sarili at ang pamilya niya sa hirap.
Biruin mong isang dating construction worker at panadero, ngayoy kilalang kilala na sa buong mundo.
Biruin mong dating nakatira sa isang maliit na bahay, ngayon eh 35-million mansion na.
Ang pag-ahon sa hirap na yan ni Manny ang siyang patuloy na magbibigay ng pag-asa sa maraming Pinoy na ngayony nakasadlak sa hirap at animoy wala nang nakikitang magandang kinabukasan.
Yan ay patuloy na magbibigay ng inspirasyon sa bawatt isang nawawalan na ng pag-asa sa buhay na oo nga, hanggang humihinga, hanggang nakakalaban pa sa mga suntok ng buhay, tunay ngang may pag-asa pa.
But more so, for the whole Philippines. Sana ngay patuloy na lumakas ang piso natin laban sa dolyar. Sana nga ay makaboto na tayo ng tamang mga senador at kongresista sa susunod na eleksyon. Panay ang tira natin sa Kongreso natin dahil sa walang kapararakan na pagbabangayan nila, pero kung tatanungin natin ang mga sarili natin, teka, sino ba ang naglagay sa mga yan? Di bat tayo rin? Ang pagdating ng May 2007 elections ay isang hudyat para sa bawat Pilipino na ngayon naman, mag-isip na tayong mabuti at mag-isip ng tama sa ating pagboto.
O siya, 365 days na lang, Pasko na!
Happy new sa inyong lahat!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am