^

PSN Palaro

De La Hoya, Roach darating sa bansa

-
Matapos si Bob Arum ng Top Rank Promotions, magtutungo naman sa Pilipinas sina Oscar de la Hoya ng Golden Boy Promotions at trainer Freddie Roach ngayong buwan.

Ito ay bunga na rin ng pamamahala ng Golden Boy sa itatakdang World Cup: Mexico vs. Philippines sa Marso 4 sa Cebu City at ang pagkakasama naman ni Roach sa isang San Miguel Beer commercial nina Manny Pacquiao at Erik Morales.

Sa kanyang pagpunta sa bansa, inaasahang makikipagkita si Dela Hoya sa 28-anyos na si Pacquiao sa hangaring mapapayag ito sa kanyang 50-50 deal sa kanilang rematch ni world super featherweight champion Marco Antonio Barrera.

Ang Golden Boy ang mas gusto ni Roach na puntahan ni Pacquiao kesa kay Arum, nakuha ang "Pacman" mula sa isang four-year contract.

Nauna nang binigyan ni Golden Boy Chief Executive Officer (CEO) Richard Schaefer ang Team Pacquiao ng deadline noong Enero 1 para magdesisyon kung tatanggapin o tatanggihan ang kanilang 50-50 deal.

Isang araw  matapos ito, inihayag naman ni Arum ang Enero 12 deadline kina Dela Hoya at Barrera para tanggapin ang rematch kay Pacquiao sa Abril 28.

Ayon kay Arum, alam niyang hindi itutulak ng Golden Boy ang laban ni Barrera kay Juan Manuel Marquez sa Marso 17 sa Las Vegas, Nevada.

Si Barrera ang super featherweight champion ng World Boxing Coucil (WBC), habang si Marquez naman ang naghahari sa World Boxing Organization (WBO).

Pinigil ni Pacquiao si Barrera sa 11th round ng kanilang "Peoples’ Featherweight Championship" noong Nobyembre ng 2003, habang naitakas naman ni Marquez ang isang split draw sa kanilang upakan ni Pacquiao noong Mayo ng 2004 sa kabila ng pagkakabagsak ng tatlong beses sa 1st round. (Russell Cadayona)

vuukle comment

ANG GOLDEN BOY

BOB ARUM

CEBU CITY

DELA HOYA

ENERO

ERIK MORALES

FEATHERWEIGHT CHAMPIONSHIP

FREDDIE ROACH

GOLDEN BOY

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with