Purefoods vs. Sta. Lucia: Playoff!
January 3, 2007 | 12:00am
Matapos ang bakasyon, isang matinding aksyon naman ang susungaw sa pagbabalik aksiyon ng 2006-07 PBA Philippine Cup.
Pag-aagawan ng nagdedepensang Purefoods Chunkee Giants at ng Sta. Lucia Realty ang huling outright quarterfinals berth sa kanilang playoff game ngayong alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Hindi na sana umabot sa ganitong sitwasyon ang dalawa kung naipanalo lamang ng Giants at Realtors ang isa sa kanilang dalawang huling laban.
"Its now a reality we have to face. Weve been working hard in practice and well give it our best shot," wika ni Sta. Lucia coach Alfrancis Chua na tulad ng Purefoods ay nag-ensayo kahit na bakasyon na.
" We dont talk about the past and we just look forward to coming out hard," pahayag naman ni Purefoods mentor Ryan Gregorio.
Tinapos ng Giants, Realtors at Talk N Text Phone Pals ang classification phase mula sa kanilang 10-8 baraha. Ngunit dahilan sa mas mataas na quotient, ang huli ang nakasambot ng pangalawang outright quarterfinals ticket kasama ang Red Bull (11-7).
Ang matatalo sa pagitan ng Purefoods at Sta. Lucia, parehong nasa isang two-game losing slump, ang mahuhulog sa wildcard phase kasama ang Alaska (8-1), Air 21 (7-11) at Coca-Cola (5-13).
Nanggaling ang Giants sa 92-96 kabiguan sa Aces, habang nagmula naman ang Realtors sa 85-90 pagyukod sa Tigers (5-13) noong Disyembre 22.
Inaasahan ng dalawang coach ang maigting at mainit na salpukan sa pagitan ng kanilang team tulad nang nauna nilang dalawang laro na hindi humigit sa 4 na puntos ang lamang ng nanalo.
Sa kanilang dalawang beses na pagtatagpo sa classification phase, ang Purefoods ang nangibabaw sa Sta. Lucia matapos iposte ang 100-96 tagumpay noong Oktubre 21 at 103-101 panalo noong Disyembre 8.
Sina 2006 Most Valuable Player James Yap, Kerby Raymundo, Noy Castillo, Jun Limpot, Marc Pingris at PJ Simon ang babandera sa Giants kontra kina Marlou Aquino, Dennis Espino, Paolo Mendoza, Kenneth Duremdes at 2006 No.1 pick Kelly Williams.
Sa kanilang 85-90 pagkatalo sa Tigers, kumolekta ang 6-foot-6 na si Williams ng game-high 26 puntos kasunod ang 16 ni Ronnie Bughao at 12 ni Mendoza. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended