^

PSN Palaro

Purefoods at Sta. Lucia walang pahinga sa ensayo

-
Habang abala sa kasiyahan ang ibang koponan, nasa maigting na ensayo naman ang nagdedepensang Purefoods Chunkee Giants at ang Sta. Lucia Realty.

Ito ay bunga na rin ng kanilang playoff gamesa Enero 3 para sa ikatlo at huling outright quarterfinal ticket sa pagbabalik ng 2007 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Tinapos ng Giants, Realtors at Talk 'N Text Phone Pals ang classification phase mula sa magkakapareho nilang 10-8 rekord sa ilalim ng 11-7 baraha ng quarterfinalist na Red Bull.

Dahil sa mas mataas na quotient, nadakma ng Talk 'N Text ang ikalawang outright quarterfinals seat na nag-iwan sa Purefoods at Sta. Lucia sa isang playoff match sa Miyerkules sa ganap na alas-7 ng gabi.

"We don’t talk about the past and we just look forward to coming out hard on January 3," wika ni coach Ryan Gregorio sa kanyang Giants, ang kampeon sa nakaraang Philippine Cup.

Ito rin ang isinasaksak ni mentor Alfrancis Chua sa kanyang mga Realtors, nagposte ng 9-3 kartada bago lumubog sa dulo ng classification phase.

"It’s now a reality that we have to face," sabi ni Chua."We’ve been working hard in practice and we’ll give it our best shot."

Ang mananalo ay sasama sa Red Bull at Talk 'N Text sa quarterfinals, ang mabibigo naman ay makakahanay ng Alaska, Air 21 at Coca-Cola sa wildcard phase kung saan ang best team ang aakyat sa quarterfinals. (Russell Cadayona)

ALFRANCIS CHUA

CUNETA ASTRODOME

LUCIA REALTY

N TEXT

N TEXT PHONE PALS

PASAY CITY

PHILIPPINE CUP

PUREFOODS CHUNKEE GIANTS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with