POC nais plantsahin ang gusot ng mga NSAs

Desidido na si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. na plantsahin ang anumang gusot na namamagitan sa hanay ng mga National Sports Associations (NSA) sa pagpasok ng 2007.

Sinabi ni Cojuangco na muli niyang paghaharapin sa itatakdang POC Executive Board meeting sina Go Teng Kok ng track and field, Buddy Andrada ng lawn tennis, Manny Lopez ng boxing, Bacolod Rep. Monico Puentevella ng weightlifting at Victor Valbuena ng table tennis.

"Desidido na ako. Gagawa ako ng mga hakbang to avoid further misunderstanding that has been going on since I took over," sabi ni Cojuangco. "There has to be certain corrections and institute certain measures that will prevent occurances of these measures."

Matatandaang nagkainitan sina Go, Lopez, Andrada, Valbuena at Puentevella sa idinaos na pulong ng POC Executive Boardnoong Disyembre 21, ilang oras bago ang kanilang Christmas Party.

Ang pakikialam ni Go, itinalagang Special Assistant ni Cojuangco sa POC,sausapin ng ilang sports associations angnaging dahilan ng naturang argumento.

"Sa akin naman, nadidinig ko na itong mga differences in opinion. Mas maganda na ilabas na nila 'yung mga nasa kalooban nila. But in the end of the discussion, medyo nagkainitan sila," ani Cojuangco.

Sa kabila ng naturang kaguluhan, hindi pa rin nagde-desisyon si Cojuangco kung patuloy na pananatilihin ang kontrobersyal na si Go bilang kanyang Special Assistant.

"May mga kaibigan lang tayo na maaaring masyadong concerned sa ating sports kaya sila pumapasok na hindi naman nila alam na nagdudulot ng division among the members of the POC," wika ni Cojuangco. (Russell Cadayona)

Show comments