At kapag ito ay na pormalisa na, tuluyan nang mawawala ang BAP at Pilipinas Basketball para mabigyan daan ang SBP sa pamamahala sa Philippine basketball.
Ito rin ang malamang na maging daan para matanggal ang suspensiyon sa Pilipinas ng International Basketball Federation (FIBA) at pagbabalik sa international scene.
Ngunit may isa pang problema. Kung ayos na kay Estrada ang SBP, hindi naman pumayag ang matigas ang ulo ng ilang opisyal ng BAP na pinamumunuan ni secretary-general Graham Lim kasama sina BAP legal counsel Boni Alentajan, chairman emeritus Gonzalo Puyat II, treasurer Toni Fabico, at ang mga miyembro na sina Fritz Gaston at Dr. Lucrecio Calo.
Ito rin ang mga taong naglagay kay Estrada bilang BAP president makaraang magresign ni dating senator Joey Lina bilang pinuno ng asosasyon.
Sa pinirmahang press statement, sinabi nilang dapat manatili ang BAP bilang national association at hindi ang SBP.
Inimbitahan pa nila si Pangilinan na sumapi sa BAP at maging ang ilang basketball organization.
Sa isang text message ni Estrada, may isang salita ito kay Pangilinan at sa SBP.
"I will stand by my decision," aniya.