Pagkauhaw ng Red Lions naibsan

Ilang segundo at isang mintis na 18-footer ni Beau Belga sa Game 3 ang hinintay ng San Beda College upang tuluyan nang wakasan ang 25-taon nilang pagkatighaw sa korona ng National Collegiate Athletic Asso-ciation (NCAA).

 Ang nasabing tumal-bog na jump shot ng 6-foot-6 na si Belga ang naglusot sa 68-67 panalo ng Red Lions sa Dolphins ng Philippine Christian University para tanghaling kampeon ng 82nd NCAA men’s basketball tourna-ment noong Setyembre 22 sa Araneta Coliseum.

 Tinalo ng San Beda ang PCU sa kanilang best-of-three champion-ship series, 2-1, patungo sa kanilang inaasam na titulo na huling ibinigay nina Chito Loyzaga, Frankie Lim at JB Yango sa Mendiola-based school noong 1975.

 "It became sweeter because I won at home. I won it at San Beda," ani head coach Koy Banal, isa ring dating Red Lion na humalili kay Nash Racela sa kalagitnaan ng 81st NCAA season. "There is no place like home. Ang manalo ka para sa eskuwela mo, talagang pride na ‘yon."

 Lumapit sa korona ang San Beda matapos angkinin ang Game One via 71-57 panalo mula sa 19 puntos at 6 assists ng bagitong si Pong Escobal kasunod ang 14 marka at 12 rebounds ni power forward Yousif Aljamal at 14 boards, 7 puntos, 6 shotblocks at 6 steals ni 6-foot-8 Nigerian Samuel Ekwe.

 Ang 24-anyos na si Ekwe ang kauna-una-hang foreign player sa kasaysayan ng NCAA na kinilala bilang Rookie of the Year at Most Valuable Player sa nasabing taon.

 Bilang isang cham-pion team noong 2004, hindi pinayagan ng PCU na makamtan ng San Beda ang kanilang pangarap. 

Sa pangunguna ni-na 2004 ROY/MVP Gab-by Espinas at Jason Castro, inagaw ng Dol-phins ang 70-52 tagum-pay sa Game Two para itabla sa 1-1 ang kanilang serye at itulak sa isang ‘winner-take-all’ ang kanilang labanan ng Red Lions. 

 Sa Game Three, matapos magposte ng isang 20-point lead, 57-37, sa 2:35 pa ng third quarter, minasdan ng San Beda na matunaw ang naturang kalamangan 68-67 sa huling 24.8 segundo ng fourth period. 

Isang passing error ni Escobal para kay Ekwe ang nagresulta sa huling posesyon ng PCU.

 "I cannot dwell on that. All I did was to motivate them to make one stop. One stop lang alam na nila ‘yon. We just forget about that (turnover) and make one stop," sabi ni Banal sa kanyang mga Red LIons.

 Pinuwersa ng San Beda si Belga sa isang pilit na jump shot para sa huling tira ng PCU kasa-bay ng pagtunog ng buz-zer na hudyat ng pagdiri-wang ng mga Red Lions.  

 Sa nasabing panalo, kumabig si Aljamal ng 23 puntos, 11 boards at 2 steals, samantalang nag-ambag naman ng 15 marka si Escobal bukod pa sa 7 boards at 6 assists.

 "Ang sarap ng feeling. Talagang masayang-masaya kami kasi hindi naman naging madali itong dinaanan namin," ani Aljamal, tinanghal na Finals MVP. "We have to beat a tough team like Mapua to advanced to the Finals against PCU. Sobrang hirap talaga."  

 Para naman  kay Banal, ito ang pangat-long titulong nakuha ng dating Red Lion sa 2006 makaraang ihatid ang Magnolia, tinampukan nina Kelly Williams at Arwind Santos, sa koro-na ng 2006 PBL Heroes Cup at tulungan si Ryan Gregorio sa pag-ang-kin ng Purefoods Chun-kee Giants sa 2006 PBA Philippine Cup. (RC)

Show comments