Miller, PBA Player of the Week
December 27, 2006 | 12:00am
Bilang dating PBA MVP, hindi dapat hulaan kung kailan siya haharurot.
Gayunpaman, ito ang ginagawa ng 5-11 guard, lumilipad sa ilalim ng radar at sa prosesong pagdala sa Alaska sa kasalukuyang Talk N Text PBA- Philippine Cup.
Sa nakaraang linggo, ang player na tinaguriang isa sa pinakamahusay ng liga noong 2002 ay bumandera sa Aces sa dalawang panalo at madala sa mas magandang posisyon ang team patungo sa wild card phase.
"He was putting up some big numbers and I was wondering if anyone would take notice," patungkol ni Alaska coach Tim Cone kay Miller.
Kaya naman mabilis din ang responde ng mga miyembro ng PBA Press Corps at pinili si Miller bilang Accel-Talk N Text Player of the Week sa Dec. 18-Dec. 25.
Ito ang ikalawang papuri kay Miller na kanyang unang nakamit noong Nov. 20-26. Dahil dito makakasama niya sa ranggo ng two-time winners sina Mark Caguioa at Rudy Hatfield ng Barangay Ginebra at Danny Seigle ng San Miguel Beer.
Naniniwala si Cone na ang naturang No. 2 guard na ginawang starting point guard ay karapat-dapat sa parangal sa kanyang tunay na halaga ng paglalaro.
"Hes playing as well -- or better than -- his MVP year," ani Cone.
Sa kanilang 96-90 panalo sa Welcoat noong Dec. 20, kumana si Miller ng 24 points, nine rebounds, five assists, two blocks at isang steal.
Sinundan niya ito nang muntik na triple double performance na 25 points, 10 assists at eight rebounds makaraang itala ng Aces ang ikatlong panalo sa qualification round, 96-92 overtime laban sa Purefoods Chunkee.
Dahil dito, ang Aces ay tumapos ng may 8 panalo laban sa 10 talo-- isang record na kanilang bibitbitin sa wildcard round na magsisimula sa Enero.
Ang wild card ay single round robin format sa pagitan ng 6th hanggang 9th place na koponan na dedetermina sa ikaapat at huling finals berth.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended