^

PSN Palaro

Sa pagkawala ng mga La Salle Archers walang nakapansin sa mga UST Tigers

-
Nayanig ang mundo ng University of Athletics Association of the Phi-lippines (UAAP) sa pag-kakasuspindi ng De La Salle University dahil sa pagpi-field ng mga ‘in-eligible players’ noong magkampeon sila sa 2004 season.

Naging paborito ang Ateneo at host University of the East para magla-ban para sa titulo matapos mawala sa eksena ang La Salle dahil sa kontrober-siya kina Tim Gatchalian at Mike Benitez na in-eligible pala nang sila ay maglaroo noong 2004 kaya’t isinuko ng Archers ang kanilang titulo.

Lingid sa kanilang ka-alaman ay nasa isang tabi lamang ang mga ‘tigre’ at nang sila ay makalingat, sinakmal ng Tigers ang titulo.

Sa simula pa lamang, kumpiyansa na ang roo-kie coach na si Pido Ja-rencio na magkakam-peon ang kanyang team.

"Alam ko itong team na ito pang-champion," pahayag ng 44-anyos na si Jarencio. "Malakas itong team na ito bago ko pa man nahawakan at kum-pleto sila sa materyales. Itinago ko nga ito eh. Du-ring the summer season, sumali ako sa Fr. Martin’s Cup pero ‘yung Team B ang pinalaro ko at itong Team A pinalaro ko sa mga probinsya.

Nagsimula ang Santo Tomas sa torneo na talo sa kanilang unang dala-wang asignatura ngunit nagsimula silang buma-ngon para makarating sa Final Four kung saan si-nilat nila ang paboritong host University of the East para hamunin ang top seed team na Ateneo sa kampeonato.

"Kahit na naging rol-ler-coaster ride ang eli-minations namin, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga players ko," ani Jarencio. "Kaya nga sinabi ko na itong team na ito ay may destiny na mag-champion."

Malaki ang naging papel ni Jojo Duncil, ang naging Finals MVP sa tagumpay na ito ng Uste gayundin si Jervey Cruz.

Natapos sa 10-taong paghihintay sa korona ng five-peat titlists na Tigers na winningest team na ngayon sa seniors basket-ball sa UAAP sa kanilang 19 titulo.

Nakopo naman ni Kenneth Bono ang Most Valuable trophy na na-ging susi sa pagtuntong ng Adamson sa semifinals matapos ang mahabang panahon. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ATENEO

DE LA SALLE UNIVERSITY

FINAL FOUR

JARENCIO

JERVEY CRUZ

JOJO DUNCIL

KENNETH BONO

LA SALLE

TEAM

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with