Iniskoran ng dalawang judges ang laban na pabor kay Abaniel ngunit nakita ng judge ang laban na draw ayon sa ulat.
Si Abaniel ay minamanage at trinitrain ang dating talented Australian boxer na si Terrance Mogg na nakatira dito sa bansa.
Si Abaniel na kumampanya sa amateur ng tatlong taon ay nanalo ng bronze medal sa World Championships sa Russia noong nakaraang taon.
Ito ang ikatlong profight ni Li matapos umiskor ng majority decision laban kay Liu Li noong August 15 at nalimitahan sa draw ni Liu Dan noong November 25.
Dinomina ng 21-gulang na Pinay pug mula sa Puerto Princesa ang lahat ng round ng four-round match sa pagpapakita ng kanyang kahanga-hangang punching power na hindi pa nasasaksihan sa minimum weight sa China.
Dahil sa kanyang mahusay na performance, si Abaniel ang paborito ng fight fans kayat nagdesisyon ang mga promoters na muling imbitahan ito para sa isa na namang laban sa susunod na taon.