^

PSN Palaro

ANG SIKRETO NG HARDBALL

GAME NA! - Bill Velasco -
Sa loob ng isang buwan, mula noong ilunsad ito sa ABS-CBN News Channel (Lunes hanggang Biyernes, alas-10:30 ng gabi), marami na ang naaliw at nagulat sa programang ‘Hardball’. Ito ang kauna-unahang daily sports talk show sa Pilipinas, at walang hindi pinag-uusapang mahalaga sa sports.

Sa loob ng unang mga linggo, halos lahat na ang napag-usapan namin nila Boyet Sison at Jinno Rufino sa gabi-gabing pagtatanghal. Tinalakay namin ang Asian Games at ang bunga nitong imbestigasyon sa kaawa-awang kalagayan ng baseball sa ating bansa (nawa’y maghigpit din ang Philippine Olympic Committee gaya ng sa basketball). Pinag-usapan na rin namin kung alin sa mga pelikulang ‘Rocky’ ang pinakamaganda.

Diniinan namin si Carmelo Anthony dahil sa kalokohang makisuntok at manakbo na parang batang babae at sinagot ang tanong kung sino ang pinakamagaling talagang player ng Ginebra Gin Kings sa kasalaukuyan, Marami rin kaming foreign sports na pinag-usapan, at pati ang kinabukasan ng Philippine sports ay aming binigyang-pansin.

Sa loob lamang ng isang buwan, marami ang naging reaksiyon. Dahil napapanood din kami sa ibang bansa, may mga nagpadala ng e-mail mula sa Amerika. Ayon sa isa, nagsisimula ang araw niya sa Massachusetts sa panonood ng Hardball. Dagdag naman ng isa pa sa Ohio, daig pa raw namin ang ESPN. Di naman siguro, subalit nakatataba ng puso.

Pero walang nakakaalam ng tunay na sikreto ng Hardball, kung bakit matunog ito sa mga tao. Tutoo, sinasabi namin ang iniisip ng madla, subalit, hindi iyon. Tutoo, napakalaking bagay ang pagiging bahagi ng pamilya ng ABS-CBN, dahil sa lakas ng kakayahan ng network. Subalit may isa pang matinding lihim.

Araw-araw, mga ilang minuto bago kami umere, habang nakaupo na kami sa set, may make-up na’t nakakabit na ang mikropono, habang tahimik na nagtatrabaho ang aming mga audioman at lightsman, mayroon kaming maliit na rituwal.

Bubulong ang isa sa amin na oras na, magkakapit-kamay kaming tatlo, pipikit, ibababa ang ulo at magdarasal. Ang idinarasal namin ay ang ‘Prayer for Protection’ na aking natutunan sa lingguhang pagtitipon ng Inner Peace Foundation na itinatag ni Regina Dee halos tatlumpung taon na ang nakalilipas. Nais kong ipamahagi sa inyo.

‘The light of God surrounds us.

The love of God enfold us,

The power of God protect us, And the presence of God watches over us.

Wherever we are, God is.

And wherever God is, all is well.

We are so grateful.

And so it its!’

Maligayang Pasko!

ASIAN GAMES

BOYET SISON

CARMELO ANTHONY

GINEBRA GIN KINGS

INNER PEACE FOUNDATION

JINNO RUFINO

MALIGAYANG PASKO

NAMIN

NEWS CHANNEL

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with