^

PSN Palaro

ANG HALAGA NINA REYES AT CABATU

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kitang-kita na ng lahat ang kinabukasan ng Welcoat Dragons!

At hindi ito negative ha. Hindi ito patungkol sa maaga nilang pagbabakasyon sa kasalukuyang Talk N Text-PBA Philippine Cup kung saan nagwagi lang sila ng tatlong beses sa 18 games at nabigong makausad sa ‘wild card phase."

Ang "future" na tinutukoy natin ay ang mga big men na sina Jay-R Reyes at Jun-Jun Cabatu.

Pinatunayan ng dalawang rookies na ito na handang-handa na nga sila na maglaro sa PBA. Hinog na hinog na sila!

Ang dalawang ito ang magsisilbing "cornerstone" ng prangkisa ng Welcoat sa mga susunod pang tournaments. Kumbaga, ang magiging misyon ni coach Leovino Austria at ng management na pinangungunahan nina Raymond Yu at Terry Que ay ang paligiran ang dalawang ito ng mga materyales na makakatulong ng malaki sa kanila.

Mawawala sa poder ng Welcoat ang ilang mga man-lalaro nito at iyon ay isang "fact of life" sa PBA bilang bahagi ng patuloy na build-up ng koponan sa hangaring maging powerhouse din sa mga susunod na taon.

Subalit maiiwan sina Reyes at Cabatu. Kung ipamimi-gay man ang mga ito’y siguradong matindi ang magiging kapalit. Pero marami ang nagsasabing dapat ay i-permis na muna sila sa bakuran ng Dragons dahil sa magiging dominante din naman sila pagdating ng takdang panahon.

Sa Philippine Cup nga’y nakita ng karamihan ang "preview" ng pwedeng gawin nina Jay-R at Jun-jun. Katu-nayan, sa kanilang huling game kontra Alaska Milk kung saan natalo sila, 96-90, pilit na binuhat ng dalawang ito ang kanilang koponan. Hindi nga lang sila nakakuha ng matitinding suporta buhat sa mga iba nilang kakampi.

Pero kitang-kita ang kanilang desire na manalo. Kitang-kita ang kanilang kagustuhang maging take-charge guys ng team. Kapag kailangang-kailangang umiskor ang Welcoat, sa kanila ibibigay ang bola. Ito ang trademark ng mga superstars sa PBA!

Ganitong-ganito nagsimula ang mga tulad nina Alvin Patrimonio, Allan Caidic at ilan pang retiradong manlalarong inidolo ng bayan noon.

Si Reyes ang pinaka-batang manlalaro sa PBA sa kasalukuyan. Noong pang isang taon niya nais umakyat sa PBA subalit hindi napayagan. Isipin na lang natin kung ano pa ang kanyang puwedeng gawin kapag nag-mature na siya.

Si Cabatu ay isang second generation player at mara-ming natutuhan sa kanyang amang si Sonny na ngayon ay kabilang na sa radio panel ng PBA. Very versatile ang batang ito na puwedeng makipagsabayan sa shaded area at tumira sa labas.

Nabigo man ang Welcoat sa kasalukuyang conference, tiyak na mamayagpag din sila kapag panahon na nila!
* * *
Magtatapos ang darting season sa pamamagitan ng dalawang malalaking torneo mamayang gabi at sa Dis-yembre 28 na kapwa gaganapin sa Pearl Plaza Mall, Quirino Avenue sa Parañaque City.

Magtatagisan ng husay ang mga darters mamaya sa Harrows Christmas Dartfest, isang P20,000 tournament kung saan ang mga drawn teams ay maglalaro ng 501 best-of-three sa winners’ bracket at 701 one leg sa losers’ bracket. Ang entry fee ay P150 kada manlalaro. Ang unang 72 na magpapatala ay magkakaroon ng welcome drink. Magsisimula ang registration sa ganap na 7 pm at ang mga laro sa ganap na 9 pm.

Sa Disyembre 28, ang tradisyonal na "Huling Hirit" tour-nament ay gaganapin kasabay ng birthday celebration ni DCP director Errol Magtubo.

ALASKA MILK

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

ERROL MAGTUBO

HARROWS CHRISTMAS DARTFEST

SILA

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with