FEU tracksters kampeon pa rin sa UAAP T&F

Pinalawig pa ng Far Eastern Univer-sity ang kanilang supremidad sa UAAP athletics nang muling maghari ang Tamaraws sa men’s at women’s divi-sion ng Season 69 sa Rizal Memorial Track Oval noong nakaraang linggo.

Nagningning para sa FEU Tama-raws ang mga national training pool members na sina Nelbert Ducu-sin, Jeff Lozande, Rey Villarube at Orlando So-riano na nagtapos na may 153 puntos sa 9 golds, 5 silvers at 7 bronze na si-nungkit sa men’s contest.

Sa ikalawang pagkakataon tinang-hal namang MVP ang double gold medalist na si Ducusin, na nagtala din ng bagong league record sa 800m na may 1:54 at 3000 meters steeplechase na may bilis na 9:37.75 minutes.

Nagningning din sina Lozande at Soriano na may tigatlong ginto bawat isa.

Pumangalawa ang UST sa men’s division na may 7-4-3 gold-silver-bronze at ikatlo ang Ateneo na may 2-6-2 production.

Wala ring tatalo sa  FEU maging sa women’s division makaraang humakot ng14 gold, eight silver at eight bronze medals para sa 242 points.

 Pumangalawa din ang UST (4-9-5) at nalaglag sa ikatlo ang UE (4-2-4).  

Show comments