^

PSN Palaro

Realtors nagiba sa Tigers

-
Dadaan sa wild card phase ang Coca-Cola. Wala na silang magaga-wa rito. Ang puwede la-mang nilang gawin ay paghandaan ito.

At isang magandang pambuwelo sa kanila ang 90-85 panalo laban sa Sta. Lucia Realty sa pe-nultimate game-day ng elimination ng Talk N Text PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Umiskor si John Arigo ng 23-puntos, 16 nito sa ikaapat na quarter kabi-lang ang anim na sunod na puntos sa 8-0 run na nag-ahon sa Tigers sa four-point deficit para agawin ang kalamangan sa 79-75 at apat na free-throws sa 7-of-8 free-throws ng Tigers na su-melyo ng kanilang ta-gumpay.

Wala nang silbi sa Ti-gers ang larong ito dahil hindi na sila makakahabol sa quarterfinals bunga ng kanilang mababang karta-da na napaganda nila sa 5-13 win-loss slate mula sa dalawang sunod na ka-biguan para sa No. 9 slot kasunod ang kulelat na Welcoat Paints, 3-15.

Ipinagkait nila ang ma-halagang panalong ito sa Realtors na naghahabol ng quarterfinal slot na da-hilan ng kanilang pagbag-sak sa 10-8 kartada mata-pos malasap ang ikaanim na talo sa huling walong laro.

"I told my players that they (Sta. Lucia) need the win more than we do be-cause of our standing. What is important is we just have to enjoy the game. And I’m glad my players did a good job kasi magandang baon ito para sa amin," pahayag ni Coke coach Binky Favis.

Kailangang ipanalo ng Coca-Cola ang apat na la-ro sa wild card phase kung saan ang top-team ay si-yang makakakuha ng hu-ling quarterfinal slot.

Bunga ng pagkatalong ito ng Sta. Lucia, makaka-pasok sila sa quarterfinals nang wala nang pasikot-sikot pa kung matatalo ang Talk N Text ngunit kung hindi magkakaga-yon ay dadaan sila sa play-off laban sa Chunkee Giants o sa Phone Pals din.

Kung may play-off, gaganapin ito sa Enero 3 na dahil magkakaroon ng isang linggong Christmas break ang liga pagkatapos ng laro sa araw mismo ng Pasko sa Big Dome din para sa huling araw ng eli-minations at magsisimula ang wild card phase sa Enero 5.

Habang sinusulat ang balitang ito, sinisikap na-man ng defending cham-pion Purefoods Chunkee (10-7) na makakuha rin ng quarterfinal slot sa paki-kipagharap sa Alaska (7-10). (CBalbuena)

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BINKY FAVIS

CHUNKEE GIANTS

COCA-COLA

ENERO

JOHN ARIGO

LUCIA REALTY

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with