Ang 13-year-old GM candidate ay tumabla matapos ang 17 moves ng Sicilian Grand Prix Game tangan ang itim na piyesa.
"Mahirap pong magpumilit kaya para sa akin ok lamang po 'yung tabla," sabi ni So, na tinalo si Paragua sa katatapos na 1st PGMA International Open Chess Championships na ginanap sa Duty Free Shop sa Parañaque City.
Si So ay nakaipon ng 4.5 puntos at makakalaban si dating Asian junior champion GM Nelson Mariano II sa sixth round habang kasagupa naman ni Paragua si FM John Paul Gomez. Sina Mariano at Gomez ay tabla din sa fifth round.
Sina Paragua, Mariano at Gomez ay nakaipon ng 4.0 puntos para makisalo sa ika-2 hanggang ika-9 na puwesto na kinabibilangan nina IM Ronald Dableo, IM Darwin Laylo, IM Oliver Dimakiling, FM Emmanuel Senador at Jerome Balico.
Sa Challengers section, tinalo ni Jerry Nodado ang kapwa NM na si Allan Sasot para makaipon ng 4.5 puntos, kaparehas ng puntos nina Marlon Ricafort, Merben Roque, Julius Sinangote, Allan Macala at Manny Yu.
Tabla si Ricafort kay Roel Abelgas, tabla din si Roque kay Sinangote, tabla din si Macala kay Yu.