^

PSN Palaro

So nakipagtabla kay Paragua

-
Nakipagtabla si IM Wesley So kay tournament favorite GM Mark Paragua para manatili sa liderato matapos ang fifth round ng 2nd Rep. Prospero "Butch" Pichay Jr. Cup National Open Championship and Chess Challenge noong Miyerkules ng gabi sa SM City Manila.

Ang 13-year-old GM candidate ay tumabla matapos ang 17 moves ng Sicilian Grand Prix Game tangan ang itim na piyesa.

"Mahirap pong magpumilit kaya para sa akin ok lamang po 'yung tabla," sabi ni So, na tinalo si Paragua sa katatapos na 1st PGMA International Open Chess Championships na ginanap sa Duty Free Shop sa Parañaque City.

Si So ay nakaipon ng 4.5 puntos at makakalaban si dating Asian junior champion GM Nelson Mariano II sa sixth round habang kasagupa naman ni Paragua si FM John Paul Gomez. Sina Mariano at Gomez ay tabla din sa fifth round.

Sina Paragua, Mariano at Gomez ay nakaipon ng 4.0 puntos para makisalo sa ika-2 hanggang ika-9 na puwesto na kinabibilangan nina IM Ronald Dableo, IM Darwin Laylo, IM Oliver Dimakiling, FM Emmanuel Senador at Jerome Balico.

Sa Challengers section, tinalo ni Jerry Nodado ang kapwa NM na si Allan Sasot para makaipon ng 4.5 puntos, kaparehas ng puntos nina Marlon Ricafort, Merben Roque, Julius Sinangote, Allan Macala at Manny Yu.

Tabla si Ricafort kay Roel Abelgas, tabla din si Roque kay Sinangote, tabla din si Macala kay Yu.

ALLAN MACALA

ALLAN SASOT

CITY MANILA

DARWIN LAYLO

DUTY FREE SHOP

EMMANUEL SENADOR

GOMEZ

INTERNATIONAL OPEN CHESS CHAMPIONSHIPS

JEROME BALICO

JERRY NODADO

JOHN PAUL GOMEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with