Labanan na lamang sa posisyon
December 22, 2006 | 12:00am
Ang pag-aagawan na lamang sa posisyon ang magiging labanan.
Ito ay matapos na ring kunin ng Barangay Ginebra at San Miguel ang itinabing dalawang outright semifinals ticket na nagtira sa Red Bull, Purefoods at Sta. Lucia sa quarterfinal round.
Nakatakdang hara-pin ng Sta. Lucia ang Coca-Cola ngayong alas-4:35 ng hapon bago ang upakan ng Pure-foods at Alaska sa alas-7:20 ng gabi sa classi-fication phase ng 2006 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Dinala ng Gin Kings sa semis ang kanilang matayog na 13-4 karta-da kasunod ang Beer-men (12-5), Bulls (11-7), Chunkee Giants (10-7), Realtors (10-7), Talk 'N Text Phone Pals (9-8), Aces (7-10), Air 21 Express (7-10), Tigers (4-13) at Welcoat Dragons (3-15).
Sa kanilang 90-96 kabiguan sa Alaska, tuluyan nang nasibak para sa wildcard phase ang Dragons, nakatikim ng kanilang pang walong sunod na kamalasan.
Nanggaling ang Sta. Lucia sa 89-109 kabi-guan sa Ginebra, sa-mantalang nakalasap naman ang Coke ng isang 73-114 pagkatalo sa Purefoods.
Muling pamumunuan nina Kelly Williams, Marlou Aquino, Dennis Espino, Alex Cabagnot at Paolo Mendoza ang Reatlors laban kina Ali Peek, John Arigo, Denok Miranda at Allan Salang-sang ang Tigers.
Sa ikalawang laro, hangad naman ng Chunkee Giants na makabangon mula sa isang 92-112 pagyukod sa Bulls na nagwakas sa kanilang three-game winning streak, habang asam ng Aces na maide-retso sa tatlo ang kani-lang ratsada makaraang bi-guin ang Dra-gons, 96-90. (Russell Cada-yona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended