"Two conference finals ago, sabi ni Com-missioner sa akin bakit daw hindi ko gamitin ang mga role players ko since sila ang puwedeng mag-bigay ng panalo sa akin," ani Garcia. "In this game against TeleTech, 'yon nga ang ginawa ko. I used my role players and they delivered."
Sa likod nina Kris Robles, Gester Ebuen, Jam Alfad at Lawrence Bonus, iginupo ng Super Sealers ang Titans, 77-69, para angkinin ang pangu-nguna sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Para-ñaque.
Ito ang ikatlong dikit na pagragasa ng Sista, naka-hugot ng 19 puntos kay Kelvin Gregorio, 15 kay Marcy Arellano at 14 kay Gilbert Malabanan, para sa kanilang 6-2 rekord kasunod ang kapwa may 5-2 barahang Mail & More at Hapee-PCU.
Kinuha ng TeleTech, nagwakas ang inilistang three-game winning streak para sa kanilang 4-3 kartada ngayon, ang first (14-17), second (25-28) at third period (48-49) hang-gang maiwanan sa 54-63 sa 5:37 ng fourth quarter.
Sa ikalawang laro, nanaig naman ang Toyota Otis sa Magnolia Ice Cream, 90-81.
Samantala, itinakda naman ngayong alas-2 ng hapon ang nakanselang upakan ng Harbour Centre (3-3) at Cebuana Lhuillier (3-4) kasunod ang PBL Showcase, tinatam-pukan ng Slam Dunk Contest at 3-Point Shoot-ing Competition sa alas-4 sa Parañaque venue. (Russell Cadayona)