Titans bagsak sa Sista
December 20, 2006 | 12:00am
Simpleng payo mula kay PBL Commissioner Chino Trinidad ang siyang ginamit na estratehiya ni coach Caloy Garcia para sa tuluyang pagkopo ng Sista Super Sealants sa liderato.
"Two conference finals ago, sabi ni Com-missioner sa akin bakit daw hindi ko gamitin ang mga role players ko since sila ang puwedeng mag-bigay ng panalo sa akin," ani Garcia. "In this game against TeleTech, 'yon nga ang ginawa ko. I used my role players and they delivered."
Sa likod nina Kris Robles, Gester Ebuen, Jam Alfad at Lawrence Bonus, iginupo ng Super Sealers ang Titans, 77-69, para angkinin ang pangu-nguna sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup kahapon sa Olivarez Sports Center sa Para-ñaque.
Ito ang ikatlong dikit na pagragasa ng Sista, naka-hugot ng 19 puntos kay Kelvin Gregorio, 15 kay Marcy Arellano at 14 kay Gilbert Malabanan, para sa kanilang 6-2 rekord kasunod ang kapwa may 5-2 barahang Mail & More at Hapee-PCU.
Kinuha ng TeleTech, nagwakas ang inilistang three-game winning streak para sa kanilang 4-3 kartada ngayon, ang first (14-17), second (25-28) at third period (48-49) hang-gang maiwanan sa 54-63 sa 5:37 ng fourth quarter.
Sa ikalawang laro, nanaig naman ang Toyota Otis sa Magnolia Ice Cream, 90-81.
Samantala, itinakda naman ngayong alas-2 ng hapon ang nakanselang upakan ng Harbour Centre (3-3) at Cebuana Lhuillier (3-4) kasunod ang PBL Showcase, tinatam-pukan ng Slam Dunk Contest at 3-Point Shoot-ing Competition sa alas-4 sa Parañaque venue. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended