Boxing kasama na sa Palarong Pambansa

Muling makakasama sa kalendaryo ng Palarong Pambansa sa 2008 ang boxing event.

Ito ang inihayag kahapon ni Bacolod City Rep. Monico Puentevella matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Depart-ment of Education (DepEd) Secretary Jesli Lapuz para sa mga sports na isasa-lang sa 2008 Palarong Pambansa.

Ang Naga City ang huling probin-syang tumayong host ng nasabing annual sports meet.

Nahikayat ni Puentevella si Lapuz na ibilang ang boxing sa calendar of events ng 2008 Palarong Pambansa matapos ang kampanya ng national boxing team sa nakaraang 15th Asian Games sa Do-ha, Qatar.

Sa naturang quadrennial event, dala-wang gold at dalawang bronze medals ang naiuwi ng Amateur Boxing Associa-tion of the Philippines (ABAP).

Sina bantamweight Joan Tipon at fly-weight Violito Payla ay tubong Bacolod City at Cagayan de Oro, ayon sa pagkaka-sunod, ang siyang sumuntok ng naturang dalawang gintong medalya sa 2006 Doha Asiad.

Ang dalawang bronze naman ay nang-galing kina light flyweight Godfrey Castro at lightweight Genebert Basadre. (Russell Cadayona)

Show comments