^

PSN Palaro

Sista gustong masolo ang pangunguna

-
Matapos ang Hapee-PCU, ang Sista Super Sealants naman ang magkakaroon ng tsan-sang masolo ang pamu-muno sa eliminasyon.

Nasa isang two-game winning run, haharapin ng Super Sealers ang Tele-Tech Titans ngayong alas-2 ng hapon bago ang labanan ng Toyota Otis Sparks at Magnolia Spin-ners sa alas-4 sa 2006 PBL Silver Cup sa Oliva-rez Sports Center sa Paranaque.

Isang three-way log-jam ang nangyari sa pa-gitan ng Sista, Hapee-PCU at Mail & More ma-tapos maglista ng magka-katulad na 5-2 rekord kasunod ang TeleTech (4-2), Toyota Otis (3-3), Har-bour Centre (3-3), Cebua-na Lhuillier (3-4), Magnolia (2-5) at Kettle Korn-UST (0-7).

Nanggaling ang Super Sealers ni Caloy Garcia sa 80-72 panalo sa Port Mas-ters, samantalang umis-kor naman ng isang 74-52 tagumpay angTitans ni Jerry Codinera sa Pop Kings para sa kanilang ikatlong dikit na ratsada.

"The games are beco-ming more intense and competitive, kaya dapat palagi kang focus sa gameplan mo," sabi ni Garcia, muling aasa kina Marcy Arellano, Kelvin Gregorio, Gilbert Malaba-nan, Jam Alfad at 6-foot-8 Samigue Eman.

Itatapat naman ng Te-leTech, tinapos ang na-karaang 2006 PBL Unity Cup sa 4-10 rekord kaga-ya ng Hapee-PCU, sina Al Magpayo, Ariel Capuz, Eugene Tan at Francis Mercado. 

Sa ikalawang laro, pa-reho namang sisikapin ng Toyota Otis at Magnolia na makabangon mula sa natikman nilang kabiguan.

Natalo ang Sparks ni Louie Alas sa Moneymen, 85-93, na siyang pumigil sa kanilang two-game winning roll, samantalang yumukod naman ang Spinners ni Koy Banal sa Port Masters, 63-72, noong Sabado. (R. Cadayona)

vuukle comment

AL MAGPAYO

ARIEL CAPUZ

CALOY GARCIA

EUGENE TAN

FRANCIS MERCADO

GILBERT MALABA

HAPEE

JAM ALFAD

SUPER SEALERS

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with