Sa naturang okasyon, inaasahan ng Philippine Sports Commission (PSC) na makukuha na rin ng mga gold, silver at bronze medalists sa 2006 Doha Asiad ang kanilang insentibo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
"I hope so na sana nga ay maihabol sa mga atleta yung incentives nila in time for the courtesy call kay President Gloria Macapagal-Arroyo," ani PSC Commissioner Richie Garcia.
Sa Incentive Act, ang atletang mag-uuwi ng ginto mula sa Asian Games ay tatanggap ng P1 milyon, habang P500,000 at P100,000 naman para sa silver at bronze medal winners, ayon sa pagkakasunod.
Ngunit ito ay dinagdagan pa ni Pangulong Arroyo ng P500,000 para sa ginto, P300,000 para sa pilak at P200,000 para sa tansong medalya.
"Siyempre, malaking halaga itong makukuha kong insentibo," ani billiards master Antonio Gabica na inaasahang tatanggap ng P2.3 milyon mula sa kanyang gold medal sa mens 9-ball singles at silver medal sa 8-ball singles. "Siguro ilalagay ko muna sa bangko habang nag-iisip ako kung saan ko gagastusin."
Bukod kay Gabica, ang tatlo pang kumo-lekta ng ginto sa kani-kanilang events at ta-tanggap ng P1.5 milyon ay sina Violito Payla at Joan Tipon at wushu artist Rene Catalan.
Nag-ambag naman ng silver medal sina taekwondo jins Maria Antonette Rivero at Tshomlee Go, wushu expert Edward Fola-yang, cue master Jeffrey De Luna at karateka Marna Pabillore.
Ang siyam na bronze medals ay nanggaling kina netter Cecil Mamiit at Eric Taino, tae-kwondo jins Veronica Domingo, Eunice Allora at Manuel Rivero, Jr., boxers Godfrey Castro at Genebert Basadre, wuhsu artist Noel Espinosa at golfer Michael Bibat.(Russell Cadayona)