Katunayan, nasa isang two-game winning streak ngayon ang Sparks na nagbigay sa kanila ng 4-2 kartada sa ilalim ng 5-2 baraha ng Mail & More Comets, Sista Super Sealers at dating nangungunang Hapee-PCU Teethmasters at 4-2 marka ng TeleTech Titans.
Target ang kanilang ikatlong sunod na panalo, sasagupain ng Toyota Otis ang Cebuana Lhuillier ngayong alas-2 ng hapon bago ang labanan ng Harbour Centre at Magnolia sa alas-4 sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.
Ikinasa ng Sparks ang isang 90-88 panalo kontra Kettle Korn-UST Pop Kings, may 0-7 rekord, habang nakalasap naman ang Moneymen, may 2-4 grado, ng isang 90-95 double overtime loss sa Comets.
Kontra sa mas malalaking Cebuana Lhuillier, ang liksi ang inaasahan ni coach Louie Alas na magiging bentahe ng kanyang Toyota Otis.
"We have to use our quickness, to beat them. Of course, our outside shooting will also play a crucial role in our bid to extend our winning streak," sabi ni Alas, muling aasa kina Marvin Cruz, Dennis Daa, Patrick Cabahug at Erick Rodriguez.
Itatapat naman ng Moneymen ni Luigi Trillo sina Ken Bono, Doug Kramer, Macky Escalona, Mark Abadia at Erick Dela Cuesta.
Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng Harbour Centre, nanggaling sa 72-80 kabiguan sa Sista, na mapigil ang kanilang two-game losing skid sa kanilang pakikipagtagpo sa Magnolia, umiskor ng isang 79-67 panalo kontra Hapee-PCU. (RC)