^

PSN Palaro

Toyota target ang ika-3 sunod na panalo

-
 Sa kabila ng pagkawala nina Fil-Am Joe Devance, Aaron Aban, Boyet Bautista at Mark Andaya, nakakatayo pa rin ang Toyota Otis sa kanilang sariling mga paa.

Katunayan, nasa isang two-game winning streak ngayon ang Sparks na nagbigay sa kanila ng 4-2 kartada sa ilalim ng 5-2 baraha ng Mail & More Comets, Sista Super Sealers at dating nangungunang Hapee-PCU Teethmasters at 4-2 marka ng TeleTech Titans.

Target ang kanilang ikatlong sunod na panalo, sasagupain ng Toyota Otis ang Cebuana Lhuillier ngayong alas-2 ng hapon bago ang labanan ng Harbour Centre at Magnolia sa alas-4 sa eliminasyon ng 2006 PBL Silver Cup sa Olivarez Sports Center sa Parañaque.

Ikinasa ng Sparks ang isang 90-88 panalo kontra Kettle Korn-UST Pop Kings, may 0-7 rekord, habang nakalasap naman ang Moneymen, may 2-4 grado, ng isang 90-95 double overtime loss sa Comets.

Kontra sa mas malalaking Cebuana Lhuillier, ang liksi ang inaasahan ni coach Louie Alas na magiging bentahe ng kanyang Toyota Otis.

"We have to use our quickness, to beat them. Of course, our outside shooting will also play a crucial role in our bid to extend our winning streak," sabi ni Alas, muling aasa kina Marvin Cruz, Dennis Daa, Patrick Cabahug at Erick Rodriguez.

Itatapat naman ng Moneymen ni Luigi Trillo sina Ken Bono, Doug Kramer, Macky Escalona, Mark Abadia at Erick Dela Cuesta.  

Sa ikalawang laro, pipilitin naman ng Harbour Centre, nanggaling sa 72-80 kabiguan sa Sista, na mapigil ang kanilang two-game losing skid sa kanilang pakikipagtagpo sa Magnolia, umiskor ng isang 79-67 panalo kontra Hapee-PCU. (RC)

vuukle comment

AARON ABAN

BOYET BAUTISTA

CEBUANA LHUILLIER

DENNIS DAA

DOUG KRAMER

ERICK DELA CUESTA

ERICK RODRIGUEZ

FIL-AM JOE DEVANCE

HARBOUR CENTRE

TOYOTA OTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with