^

PSN Palaro

Magarbo din ang closing ceremony

-
DOHA --Matapos na magpamalas ang Pambansang atleta ng kanilang husay at talento sa larangan ng sports dito sa 15th Asian Games, isa pang Pinoy ang masasaksihan ang galing sa larangan naman ng musika.

Sa inaasahang isa na namang magarbong Closing Ceremony, isa sa napiling Asyano na kasama ng mga pangunahing performer ay ang Tony Award winner na si Lea Salonga.

Batay sa nakasaad sa makapal na Closing Ceremony manual, aawitin ni Salonga ang theme song na Triump of the One, itataas si Salonga sa stadium sa pamamagitan ng telescopic mast sa Central Stage na tila nakalutang sa ulap.

"We think that Lea Salonga is the best Asian for the role," wika ng kilalang artistic director na si David Atkins, na siya ring utak ng walang kapantay sa ganda na Opening Ceremony.

She’s fantastic, she’s quite performer," patungkol pa ni Atkins kay Salonga, na umani ng parangal sa international sa kanyang ginampanang papel na Kim ng Miss Saigon sa London.

Si Salonga ay isa sa limang pangunahing performers sa main stage sa 50-minuto na seremonya na magpapakita din ng kuwento ng 1001 Arabian Knights na isang pantasya na may impluwensiya sa Asya.

Hindi tulad ng Opening Ceremony na pormal, ang Closing Ceremony ay kasiyahan at pagdiriwang ng mga atleta.

Masasaksihan din dito ang pagsasalin ng OCA (Olympic Council of Asia) flag sa China na siyang maghohost sa 2010, Ang 16th Asian Games ay idadaos sa Guangzhou, China.

At tulad ng lahat ng seremonyas, ang fireworks display ang pinakafinale sa lahat. Kaalinsabay ng masasayang tugtugin at live pyrotechnics na kasabay din ng LED cyclorama, mapapanood sa ulap ang pamamaalam ng Doha sa Asiad at ang pagtanggap sa Guangzhou bilang susunod na host. (DMVillena)

ARABIAN KNIGHTS

ASIAN GAMES

CENTRAL STAGE

CLOSING CEREMONY

DAVID ATKINS

GUANGZHOU

LEA SALONGA

MISS SAIGON

OPENING CEREMONY

SALONGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with