^

PSN Palaro

Ika-4 gold hatid ni Catalan

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Isang araw bago matapos ang 15th Asian Games, hinabol ni Rene Catalan ang isa pang gintong medalya sa listahan ng Pilipinas.

Maliit man siya kumpara sa kanyang mas matangkad na kalaban, hindi naging hadlang ito kay Catalan, upang patunayan ang kanyang pagiging world champion makaraang gibain ang Vietnamese na si Quoc Vihn Phan, 2-0 sa kanilang laban sa —52kgs class ng wushu event combat fight.

Isa pang gold ang nakaabang habang nakikipaglaban si Edward Folayang sa —70 kgs. Kontra naman kay Yanfei Xu ng China, habang sinusulat ang balitang ito.

Nakausad sa finals ang 28 anyos na Manila SEA Games gold medallist na si Catalan, makaraang iligpit si Utkir Hudorayov ng Kyrgyzstan, 2-0 sa round-of-16 at agad isinunod si Phoukhong Khamsounthone ng Laos 2-1 sa quarterfinals upang makaharap si Naji Al Ashwal ng Yemen sa semis at gapiin ito sa iskor na 2-0 na nagtakda sa kanyang pakikipaglaban sa Vietnamese.

"I did a lot of preparations against my Vietnamese opponent because he is the toughfest fighter in this weight division," wika ni Catalan, na tubong Iloilo City. "I dedicate this win to everyone back home, my family, to President Gloria Macapagal-Arroyo to the federation and to the Philippine Sports Commission," dagdag pa niya.

Sa kabuuan ang Pilipinas ay may naiipon ng 4 golds, 5 silvers at 9 bronze na sapat na para tapatan ang performance sa Busan Asian Games noong 2002 na may 3 golds din bagamat may 9 silvers, 16 bronze itong lamang.

"I’m happy with the performance of our athletes. They tried their best and did everything," wika ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco. "It’s not the medal that counts but the performance of the athlete. Nakita mo naman lumaban talaga lahat. Contender sila at hindi lang basta-basta kasali."

Hindi naman pinalad sina Willy Wang at Pedro Quina sa mga de kalidad nilang kalaban sa wushu 3 event combined Nangun (form). Tanging 7th place lamang ang nakayanan ni Quina habang 9th naman si Wang sa event na pinagharian ng Chinese na si Caibao Wu ng China na siyang sumungkit ng ginto. Pumangalawa naman ang Vietnam at ikatlo ang Hong Kong.

Sa wrestling event na ginaganap sa Aspire Hall 3, natalo din ang Pinoy wrestlers na sina Jerry Angana, Jimmy Angana at Marcus Valda sa kani-kanilang event.

Yumuko si Jerry kay Dilhod Mansurov ng Uzbekistan, 3-0 sa 55 kgs. Freestyle at hindi rin nakalusot sa repechage laban naman kay Hidenori Taoka ng Japan, 5-0. Sa kabilang dako ang kapatid naman niya na si Jimmy ay pinaluhod naman ni Mazen Kadmani ng Syria, 3-1 sa 66 kgs. At bigo rin si Marcus Valda kay Anij Kumar ng India, 3-1.

ANIJ KUMAR

ASIAN GAMES

ASPIRE HALL

BUSAN ASIAN GAMES

CAIBAO WU

DILHOD MANSUROV

EDWARD FOLAYANG

MARCUS VALDA

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with