^

PSN Palaro

Silver ni Pabillore simula ng kanyang mga pangarap

-
DOHA -- Bagamat pinanghihinayangan ni Ma. Marna Pabillore ang paghulagpos ng gintong medalya noong Martes ng gabi, hindi ito balakid sa kanyang mga pangarap.

Noong Martes ng gabi, yumuko si Pabillore sa mas matangkad at mas matikas na si To-moko Araga ng Ja-pan sa kanilang la-ban sa women’s kumite-- 53 gold medal bout sa Qa-tar Sports Club.

Hindi naging madali para sa 26 anyos na si Pabillore na mula sa mga angkan ng karatekas na makatuntong sa finals makaraang igupo ang tatlong naunang kalaban na nagbigay ng tsansang makapag-ambag ng gintong medalya sa dalawang nauna na mula kina cue artist Antonio Gabica at boxer Violito Payla.

"I prepared hard for these games. My condition and sta-mina are very good. We trained in Italy for three months just to get used to different styles and techniques to use in Asian Games. This I think carried me to the victory in first and second rounds." wika ng magandang Pinay karateka.

Hindi man ginto ito, ku-mikinang pa rin ang silver ni Pabillore, gold medalist sa Southeast Asian Games na dagdag sa apat na nau-nang silvers na nalikom ng Pilipinas.

"This is my first meeting with a Filipino op-ponent and I had no data on her whatsoever. So I was prepared to play against any opponent using my own style," wika naman ng Hapones, na bagamat World champion ay unang sabak dito sa Asian Games.

Unang dinaig ni Pabillore, si Ryon Bok Ha ng North Ko-rea 7-1 sa round of 18 kanunod si Venera Zhetibay ng Ka-zakhstan, 3-1 at Lee Lee Lim ng Malaysia, 3-1 para itakda ang laban kay Araga.

ANTONIO GABICA

ARAGA

ASIAN GAMES

LEE LEE LIM

MARNA PABILLORE

NOONG MARTES

NORTH KO

PABILLORE

RYON BOK HA

SO I

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with