^

PSN Palaro

Gold din kay Tipon

- Dina Marie Villena -
DOHA -- Sa ikalawang pagkakataon, muling narinig sa buong Aspire Hall ang Pambansang Awit makaraang sungkitin ni Joan Tipon ang gintong medalya sa boxing competition dito sa 15th Asian Games.

Buong ningning na umakyat ng ring ang 24 anyos na si Tipon, gold medallist sa Manila Sea Games, upang harapin ang South Korean boxer na si Soon Chul Han sa harap ng mga nagbubunying OFWs at Pinoy volun-teers na dumayo sa Aspire Hall 5 para panoorin ang laban na ito.

Tinalo ng tubong Bacolod city na si Tipon ang Koreano sa iskor na 21-10.

"Mas mabigat na kalaban yung Thai ( Worapoj Petch-koom) kaysa dito. Mas relaks ako sa laban na ito dahil napanood ko na ang kanyang kilos at pinanood ko ang video ng kanyang laban ng limang beses kaya napag-aralan ko ang kanyang mga kilos at teknik," masayang pahayag ni Tipon na tatanggap ng P1.5million bilang insentibo mula sa gobyerno.

" Bibili ako ng bahay para sa aking pamilya at iyong iba naman ay pang-negosyo," dagdag pa ni Tipon na walang balak mag-pro dahil inaasinta pa niya ang Beijing Olympics sa 2008.

Sa kabuuan ang Pilipinas ay may naiipon ng tatlong gintong medalya, limang silvers at 9 na bronze na sapat na upang mapantayan ang tinapos sa Busan Asiad noong 2002 bagamat nakakalamang noon sa bronze.

Ito rin ang tumabon sa matinding pagka-uhaw ng Philippine boxing sa gintong medalya na ang huli ay noong 1994 Hiroshima Games na may tatlong gold.

Samantala, bagamat pinanghihinayangan ni Ma. Marna Pabillore ang paghulagpos ng gintong medalya noong Martes ng gabi, hindi ito balakid sa kanyang mga pangarap.

Noong Martes ng gabi, yumuko si Pabillore sa mas ma-tangkad at mas matikas na si Tomoko Araga ng Japan sa kanilang laban sa women’s kumite —53 gold medal bout sa Qatar Sports Club para sa silver na panglima ng RP.

Hindi naging madali para sa 26 anyos na si Pabillore na mula sa mga angkan ng karatekas na makatuntong sa finals makaraang igupo ang tatlong naunang kalaban na nagbigay ng tsansang makapag-ambag ng gintong medalya sa dalawang nauna na mula kina cue artist Antonio Gabica at boxer Violito Payla.

Gayunpaman, kumikinang na rin ang silver na isinukbit ni Pabillore, gold medallist sa Southeast Asian Games na dagdag sa apat na naunang silvers na nalikom ng Pilipinas.

Samantala, tangka naman nina wushu bets Rene Catalan at Eduardo Folayang na makausad sa finals habang sinusulat ang balitang ito.

Umakyat sa semis sina Catalan at Folayang na nagbi-gay tsansa sa kanila na makapagsubi ng ginto at kasalu-kuyang nakikipagbanatan sa semis na magsisimula sa alas-4 ng hapon (9pm sa Manila).

Inaasahang makakapagdeliber ang karate queen na si Gretchen Malalad na nais mahigitan ang kanyang bronze medal finish sa 2002 Busan, South Korea.

Hindi naman nasiraan ng lakas ng loob si Ceseil Dome-nios sa pagkawala ng kanyang kapartner na si Sheila Mae Perez, na nagwithdraw sanhi ng back injury, ang pagdive sa 3M springboard individual at makapasok sa finals na gaganapin bandang alas-6 ng gabi (11pm Miyerkules sa Manila).

Pumasok din sa semis sina Marvin Amposte sa 500m kayak single at Norwell Cajes sa 500m canoe single. Kasalukuyang nakikipagsagwan pa rin habang sinusulat ang balitang ito.

Hindi naman pinalad ang Pinoy sa Team Sabre event ng fencing makaraang yumuko sa mas tigasing Iranian, 45-28 sa round of 16. Ang Pinoy sabre team ay binubuo nina Gian Carlo Nocum, Walbert Mendoza at Edward Daliva.

Hindi rin umubra ang women’s team nina Jasmin Figeroa, Rachelle Ann Cabral, Katherine Santos sa women’s team event ng archery makaraang mabigo sa Kazakhstan 197-185.

ANG PINOY

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

ASPIRE HALL

BEIJING OLYMPICS

BUSAN ASIAD

CESEIL DOME

EDUARDO FOLAYANG

PABILLORE

TIPON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with