Sheila Mae Perez nag-withdraw

Pinag-withdraw na ng mga swimming coaches si Sheila Mae Perez sa lahat ng kanyang diving events dahil sa kanyang back injury.

"We withdraw her from all her events because of back pain," wika ng team manager na si Akiko Thomson ukol sa triple gold medallist sa Manila SEA Games na si Perez. "She might suffered a hip dislocation, kung itutuloy."

Nananakit ng husto ang back injury na kanyang tinamo bago pa man ang Asian Games at sa payo na rin ng Chinese coach na si Zhang Dehu pinag-withdraw sa 1M springboard at ngayon sa 3M springboard individual si Perez. (DMV)

Show comments