^

PSN Palaro

Unang ginto ng Pinas natumbok ni Gabica

-
DOHA -- Walang Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante, Alex Pagulayan at Ronnie Alcano, na pawang malalaking pa-ngalan sa larangan ng bil-liards pero may Antonio Ga-bica na nagbigay ng karanga-lan sa bansa para sa unang gintong medalya ng bansa sa 15th Asian Games.

Tinalo ni Gabica si Jeffrey de Luna, 11-7 sa all-Pinoy finals ng 9-Ball pool event na ginanap sa Al-Sadd Sports Club, na punum-puno ng mga Filipino OFW at Pinoy volunteers.

"I’m happy because we’re friends and there were no more pressures between us. We feel very happy both of us and we worked as a team," ani Gabica pagkata-pos ng laban habang binibiro pa ito ni De Luna.

Mahaba din ang pinagda-an ng 34 anyos na si Gabica, at silver medallist sa 8-Ball pool dito sa Doha, na maka-raang mag-bye sa una ay minasaker naman si Raed Ahmed Ali Humeed ng Bah-rain, 11-2 bago isinunod si Ibrahim Amir ng Malaysia, 11-5 sa round of 16.

Mahigpit na nakipagtum-bukan kay Meng Xu ng China sa quarterfinals, 11-8 na na-ging daan tungo sa pakiki-paglaban kay Busan Asian Games 9-Ball champion Young Hwa Jeoung ng South Korea, 11-5 para itakda ang all-Pinoy finals sa kababa-yang si De Luna.

"I am more confident because I won silver in 8 ball singles. When I lost the final I totally forgot the game and focused on the 9-ball event." dagdag ni Gabica.

Ang gold ni Gabica ay una din sa singles event ng billiards para sa Pilipinas sa Asian Games. Noong 1998 Bangkok Asian Games, naumit ng tambalang Gandy Valle at Romero Villanueva ang gold sa men’s doubles at noong Busan Asiad naman ang tambalang Bustamante at Antonio Lining sa 9-ball doubles.

Sa kabuuan may isang gold at 2 silvers, isa kay De Luna, ang Philippine billiard team. (DMVillena)

AL-SADD SPORTS CLUB

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO GA

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAN GAMES

BUSAN ASIAD

BUSAN ASIAN GAMES

DE LUNA

GABICA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with