Bokya sa bowling
December 12, 2006 | 12:00am
DOHA -- Dismayado ang lahat sa performance ng Philippine Bowling Team sa 15th Asian Games na ginaganap dito.
Pero sino ang dapat sisihin?
Ang Pinoy bowlers ang isa sa inaasahang makapag-uuwi ng medalya ngunit kahit isa ay wala itong naisukbit.
Isa ang bowling sa nakapagdeliber ng ginto noong 2002 Busan Asian Games mula sa tambalan nina Paeng Nepomuceno at RJ Bautista sa mens doubles. Si Nepomuceno lamang ang naglaro at wala si Bautista.
Gayunpaman, hindi dapat maging dahilan ito.
Ilang beses din nangamoy ang gintong medalya ngunit sa katapusan ng laro ay bigo at ni bronze ay hindi nahagip.
Ang pinakamagandang tinapos ng Pinoy bowlers ay fifth place sa mens doubles nina Tyrone Ongpauco at Markwin Tee kung saan ang Saudi Arabia ang sumungkit ng ginto.
Pang-anim lamang ang mens trios nina CJ Suarez, Biboy Rivera at Tee at pumasok sa 9th place si Rivera, ang reigning world champion sa singles na pinamunuan ng Indonesian. Pang-11th lamang dito si Tee.
Wala ring nagawa si Tee, ang SEA Games Masters titlist na tanging 13th place lamang ang inokupahan.
Sa panig ng mga kababaihan, pumanglima ang team-of-five nina Liza del Rosario, Irene Garcia, Daisy Posadas, Liza Clutario at Jojo Canare na napagwagian ng Malaysia. At sa womens doubles, ikaanim sina Posadas at Clutario na pinagreynahan ng Singapore habang ang Pinay troika nina Del Rosario, Posadas at Canare ay pampito.(DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended